LALONG hinigpitan ang pagpapatupad ng health and safety protocol sa MRT 3 upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa Covid 19.
Ito ay sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng Covid 19 ngayon.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagkain, pag inom, pakikipag-usap sa telepono at pagsasalita o pakikipag-usap sa loob ng tren.
Istrikto ring ipinatutupad ang pagsusuot ng facemask.
Pinapayuhan din ang mga pasahero na sundin ang safety markers sa platform sa pagpila para makasakay sa tren.
Umapela ang pamunuan ng MRT 3 sa mga pasahero na makiisa sa pagsunod sa mga patakaran para mapanatiling ligtas at maayos ang operasyon ng linya ng tren. Beth C