BUKOD sa pagsasaya, ilan pa sa kailangan nating isaalang-alang ay ang health and safety tips ngayong holiday. Kailangan din nating alagaan an gating sarili para magtuloy-tuloy an gating pagsasaya.
At para maging healthy at safe ang kahit na sino sa atin ngayong holiday, narito ang ilan sa dapat nating isaalang-alang:
HUWAG KALILIGTAAN ANG PAG-INOM NG MARAMING TUBIG
Dahil hindi naman natin naiiwasan ang pag-inom ng nakalalasing na inumin, gayundin ang pagpupuyat, isa sa kailangan nating tiyakin ay ang pag-inom ng maraming tubig.
Kunsabagay, hindi nga lang naman kapag holiday natin kailangang uminom ng maraming tubig kundi sa araw-araw. Malaki rin kasi ang benepisyong nakukuha natin sa tubig.
PLANUHIN ANG MGA GAGAWIN AT PUPUNTAHAN
Sa rami rin ng mga kailangan nating gawin at puntahan ngayong holiday, tiyak na may makaligtaan tayo. Kaya naman, para maiwasan ang makalimutan ang mahahalagang bagay na gagawin o mga pagtitipong kailangang puntahan, planuhin ito ng mas maaga.
Kung kinakailangang gumawa ng listahan ng mga pupuntahan at gagawin, gumawa nang wala kang makaligtaan.
MAGPAHINGA NG TAMA
Huwag din nating idahilan ang holiday para magpuyat. Importante pa ring nakapagpapahinga tayo ng maayos sabihin amng marami kayong kailangang puntahang party.
Isa ang kawalan ng pahinga sa nagiging dahilan kaya’t humihina ang resistensiya at nagkakasakit ang isang tao.
Kaya naman ngayong holiday, sabihin amng kaliwa’t kanang party ang inyong pupuntahan, siguraduhin pa ring makapagpapahinga ng maayos.
GUMALAW-GALAW
Kapag holiday rin, kinatatamaran natin ang gumalaw. Kung minsan, dalawa lang ang gusto nating gawin: kumain at matulog.
Pero kahit na tatamad na tamad kang gumalaw, ugaliin pa rin ang pag-eehersisyo nang mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan.
Sa pamamagitan nga naman ng pag-eehersisyo ay naiiwasan ang samu’t saring sakit.
SIGURADUHING PALAGING MALINIS ANG MGA KAMAY
Kamay ang madalas o mabilis kapitan ng dumi. Kung saan-saan nga naman natin ito naihahawak.
Kaya naman, ugaliin o siguraduhin nating malinis an gating mga kamay sa kahit na anong oras upang maging healthy at safe hindi lamang ngayong holiday kundi sa kahit na anong panahon at pagkakataon.
I-MANAGE NG MABUTI ANG STRESS
Sa kahit na anong panahon din ay hindi natin naiiwasan ang stress. Ang stress pa naman ay tumatama ito sa kahit na kanino. May malaking epekto sa kalusugan ang stress.
Kaya naman, i-manage ng mabuti ang nadaramang stress. Iwasan ang mga bagay na nakapagdudulot nito.
Kung nakadarama ng stress, humingi ng tulong sa pamilya at mga kaibigan.
KALIGTASAN KAPAG MAGTA-TRAVEL
Kapag holiday rin, marami sa atin ang nagta-travel. Kaligtasan, iyan ang dapat nating isaalang-alang kung magtutungo tayo sa ibang lugar.
kaya bago umalis ng bahay, siguraduhing dala ang lahat ng kakailanganin. Alamin din ang klima ng pupuntahang lugar. At higit sa lahat, maging maingat sa pagmamaneho at siguraduhing may dalang first aid o emergency kit.
Kapag may dala ring mga bata, magdala ng laruang makapagpapakalma o makapagpapawala ng kanilang bagot. Magdala rin ng makakain gaya ng biskuwit at inumin. Gayundin ang plastic na paglalagyan ng basura.
UMINOM NG TAMA
Kung kayo naman ang klase ng taong mahili g uminom ng mga nakalalasing na inumin, isa naman sa kailangan ninyong isaalang-alang ang pag-inom lang ng tama. Huwag masyadong magpapakalasing.
Talaga nga namang lahat tayo ay nais mag-enjoy ngayong holiday. Kadalasan din ay ginagawa nating dahilan ang holiday para pagbigyan natin ang lahat ng magustuhan natin gaya na lang ng walang pakundangang pagkain, pagpupuyat at pag-inom ng alak.
Pero tandaan nating kailangan nating mag-ingat. Na kailangan nating maging responsable, lalong-lalo na sa ating mga sarili.
Dahil kung responsable tayo, maiiwasan natin ang problema. At higit sa lahat, mas makapag-e-enjoy tayo kasama an gating palimya. CT SARIGUMBA
Comments are closed.