HEALTH AT WELLNESS SECURITY PARA SA PNP

pnp

NAKIPAGKASUNDO  ang Philippine National Police (PNP) sa  Makati Medical Center Foundation (MMCF) para sa health and wellness security ng mga police personnel kahapon ng umaga sa Camp Crame.

Mismong sina PNP Chief Gen Ge­neral Camilo Pancratius Cascolan at MMCF Chairman Manuel “Manny” Pangilinan ang lumagda sa  Memorandum of Agreement.

Layunin ng partnership na mabigyan ng tulong pangkalusugan ang mga pulis partikular ang frontliner cops na lantad sa peligrong dulot ng COVID-19.

Umaasa si Cascolan na maibibigay sa mga pulis ang garantiya para sa wellness at health security ng kanyang mga tauhan.

Kasunod nito, tinanggap din ng PNP ang replica check kung saan nakasaad ang donasyon ng Smart- PLDT Foundation para sa PSF-PNP Educational Assistance Program. EUNICE C

Comments are closed.