NANINDIGAN si Presidential Spokesman Harry Roque na mataas ang health care utilization rate sa buong Pilipinas kung ikukumpara sa Metro Manila.
Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ospital sa buong bansa ay puno na ang bed capacity.
Sinabi ni Roque na ngayong Agosto moderate risk ang Metro Manila habang mataas ang bilang ng mga ospital sa kabuuan ng bansa na maluwag at maaari pang tumanggap pasyente.
Gayunman, alam aniya ng Malakanyang na dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 ay napupuno na lalo na’t sa nakalipas na mga araw at sunod-sunod na mataas ang kaso ng nasabing sakit na umabot pa sa mahigit 11,000 kamakailan.
“Opo nasa moderate risk po ang Metro Manila, mas mataas po ang health care utilization rate sa buong Pilipinas kaysa sa Metro Manila. Pero, naintindihan ko po napupuno na,” ayon pa kay Roque.
Sa ngayon ay ginagawan ng paraan ng pamahalaan na ma-accommodate ang mga pasyente.
Kahapon din ay nagtungo sa Lung Center si Roque kung saan nag-inaugurate ng 108 modular bed hospital, kasama ang isang ICU unit habang noong Martes ay dumalo sa pagsama ng One Hospital Command Center para palawakin ang kanilang capacity.
Hinikayat din ni Roque na ang publiko na kung nahihirapan sa pagpasok sa ospital ay tumawag lang sa 1555 o kaya naman 09157777777 para malaman kung saang hospital na dapat pumunta. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.