QUEZON- ISANG Memorandum Of Agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng Pamahalaang ng Lalawigan ng Quezon at ng mga pribadong ospital na nasasakupan ng probinsiya.
Layon nito na higit na mapalawig ang Health Coupon Voucher Program para mapangalagaan ang kalusugan ng mga benepisyaryo nito.
Nilagdaan ito nila Quezon Governor Danilo Suarez at Vice Gov. Sam Nantes kasama ang mga kinatawan ng mga pribadong hospital.
Naniniwala si Suarez na sa pamamagitan ng MOA ay hindi na mahihirapan ang mga taga-Quezon dahil sa mabibigyan na ito ng sapat na pangangailangan at atensyon sa kalusugan dahil sa katuwang na ng Quezon Medical Center ang mga pribadong ospital lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Kabilang ang mga ospital na sumang-ayon at lumagda sa MOA ay ang Greg Hospital, Soler General Hosp,United Candelaria Doctors Hosp,Liwag Medical Clinic Inc.,Mt. Carmel Diocesan General Hosp.,St. Anne General Hosp.,Lopez St. Jude General Hosp.,Holy Rosary Hosp.,at Tayabas Community Hosp. Inc. BONG RIVERA
Comments are closed.