HEALTH, FACTORY WORKERS IN DEMAND SA IBANG BANSA KAHIT MAY PANDEMYA

POEA

NANANATILING in demand sa ibang bansa ang mga health at factory worker sa kabila ng COVID-19 pandemic, at ilang bansa na ang naghahanda para sa muling pagkuha sa mga Filipino migrant worker, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia  na nagsisimula nang muling buksan ng Middle Eastern countries tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Qatar ang kani-kanilang mga bansa para sa overseas Filipino workers (OFWs

Aniya, pangunahing skills na in demand sa naturang mga bansa ang health care workers.

“Dumadami po ang bilang ng nangangailangan ng nurses abroad,” sabi ni Olalia.

Plano rin, aniya, ng ilang bansa tulad ng South Korea at Taiwan na kumuha ng mas maraming factory workers mula sa Filipinas.

“Napakarami pong bansa ang nangangailangan ng factory workers dahil kabilang ito sa sector na ‘di apektado ng pandemya.”

Dagdag pa ni Olalia, irerekomenda ng POEA sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 (IATF) na taasan ang  5,000 cap sa Filipino health workers na ipinadadala sa ibang bansa kapag naabot na ang ceiling.

Comments are closed.