HEALTH, FOOD SECURITY PANGUNAHING PRAYORIDAD NG GOBYERNO SA 2021 BUDGET

DBM

KABILANG ang health at food security sa mga pangunahing prayoridad ng pamaha-laan sa ilalim ng panukalang P4.3 trillion national budget nito para sa  2021, pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) habang patuloy na nakikipaglaban ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Ang panukalang 2021 budget ay mas mataas ng 5 percent kumpara sa P4.1 trillion ngayong taon.

“The priority of the government as far as moving forward is basically… the focus is on the health sector,” wika ni Budget Assistant Secretary Rolando Toledo sa isang forum na nagsisilbing primer bago ang 5th State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para sa health spending, sinabi ni Toledo na plano ng gobyerno na dagdagan ang budget sa medical facilities, pagbili ng mga kinakaila¬ngang medical equipment at COVID-19 test kits, at pagtiyak sa sapat na deployment ng health wor¬kers habang nagpapatuloy ang pandemya.

Pagdating sa pagsi¬guro sa food supply, sinabi ni Toledo na patuloy na magkakaloob ang pamahalaan ng mga kagamitan sa mga magsasaka para sa modernisasyon.

“This is to ensure the unhampered movement of agricultural goods and services through efficient transport and logistics system,” aniya.

Naunang sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na ang government spending sa susunod na taon ay nakatuon pa rin sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

 

Comments are closed.