HEALTH OFFICIALS PINAG-IINGAT SA PAG-ULAT NG INFO SA COVID-19

Vicente Sotto

PINAGHIHINAY-HINAY ni Senate President Vicente Sotto III ang mga health officials sa pag-aanunsiyo ng mga impormasyon kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Sotto na dapat hayaan na lang ang kalihim ng Department of Health (DOH)  na mag-anunsiyo nito.

Ang payo ay ginawa ng Senate President sa mga opisyal ng DOH dahil sa maaari umanong hindi maunawaan ng publiko ang mga anunsiyo na maaari pang magpalala ng sitwasyon sa vaccination program ng gobyerno.

Kaya mas mabuti umanong ang kalihim ng DOH na lamang ang magsalita lalo na sa mga kritikal na isyu  para maiwasan ang mga bitaw sa media ng mga salita na hindi nakatutulong sa sitwasyon.

Ang pahayag ni Sotto ay ginawa matapos na ianunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi rekomendado sa health care workers ang bakuna ng Sinovac.

Maging ang mga denador umano ay nalilito gayong binigyan naman ng FDA ang Sinovac ng emergency use authorization (EUA) para sa produkto nito.  LIZA SORIANO

Comments are closed.