Sabi ng Department of Health (DOH), bawal magkasakit.
Yes, mahal kasing magpaduktor at magpaospital. Consultation fee pa lang, P1000 na. Paano pa ang gamot at hospital billing?
Kaya lang, maiwasan ba ang pagkakasakit? Sino bang tao ang hindi nagkakasakit, aber nga?
Kaya nga karamihan ngayon sa mga kumpanya, kasama na sa benefits ang health plans. Ito yung preventative care, para sakaling magkasakit, hindi madidiskaril ang badyet.
Alamin natin kung paano ito makakatulong ng lubusan.
Ibinigay kong halimbawa ang aking health plan, na bigay ng kumpanya naming SAP Philippines, ang Intellicare. Hindi lamang policies kundi catalysts for change na rin. Nakakatanggap ako dito ng personalized wellness recommendations, mula sa salamin sa mata hanggang sa hospital confinement, at may extended plan pa para sa pamilya.
Ang health plans, sa context na ito, ay higit pa sa financial coverage. Partner ito sa health journey ng isang tao, gamit ang teknolohiya para malaman ang progress, at nagbibigay pa ng real-time feedback.
Layon nitong hindi lang gamutin ang sakit, kundi para ma-prevent din ang sakit. Sabi nga nila, prevention is better than cure.
Of course, may Philhealth at malaki rin ang naitulong nito lalo pa nga at may 20 percent discount ang mga senior citizens, at may mga health units ang bawat siyudad at munisipalidad — minsan nga, may libre pang ospital — ngunit kapag grabeng sakit ang usapan tulad ng pulmunya at kidney problems, may babayaran pa ring gamot. Duktor at ospital lang kasi ang libre. At pag biglaan, mahirap humanap agad ng pera.
Kaya nga nauuso ang health plans. Yung parang nag-aalkansya ka, na kung sakaling magkaroon nga ng sakit ang sinuman sa pamilya, hindi ka na magkukumahog sa pangungutang para makabayad ng hospital bills.
Yang preventive care, dapat nga, hindi lang yan personal choice. Dapat, societal norm. Yung bawat tao, may regular check-ups, vaccinations, at lifestyle modifications, para mas malusog ang sosyedad.
Libre naman talaga ang konsultasyon. Kung nagtitipid ka, may mga libreng health units ang bawat barangay — ayaw lang ninyong pumunta. Pero hindi libre ang laboratory at x-rays. At syempre, hindi rin libre ang gamot.
Sa mga retirees naman, dapat actively engaged sila community health plan kung wala silang private health plan. Maano ba naman iyong regular health screening once a year para malaman kung may chronic condition. At para masiguro rin ang kalusugan, syempre.
Kung alam mo ang kundisyon ng katawan mo, mas magaan sa pakiramdam.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE