HEALTH PROTOCOLS SA BAGUIO CITY NILABAG

BAGUIO CITY -BINATIKOS sa social media ang celebrity birthday party na dinaluhan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na lumabag sa health protocols na ginanap sa The Manor sa Camp John Hay noong nakalipas na Linggo.

Nabatid na nag-viral ang video sa social media ang mga showbiz personality at bisita na nagsasayaw sa birthday party ng celebrity na si Tim Yap noong Enero 17 kung saan karamihang sa guests ay walang face shields at face masks.

May kuha rin si Mayor Magalong na maka-face mask at face shield kasama ang misis nito at actress na si KC Concepcion na walang facemask at face shield.

Sa pangyayaring ito, nag-isyu ang pamahalaang lokal ng Baguio ng Show Cause Order (SCO) laban sa The Manor upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat na isailalim sa sanction kaugnay sa celebrity party protocol breaches.

Dahil sa ipinalabas na SCO ng City Government laban sa The Manor, dinagsa ng negative comments sa social media ang mahigpit na ipinatutupad na health protocols sa mga residente ng Baguio City at mga lokal na turista mula sa labas ng nasabing lungsod.

Ayon kay Magalong, sumusunod naman sa protocols ang mga guest pero dahil sa sobrang excitement, aminado ang alkaldeng may mga nagtatanggal ng mask lalo na tuwing picture taking, kabilang na ang kanyang misis.

“Nagkataon lang talaga na tao lang po tayo, na sometimes when we are just so engaged in one particular po na activity, na talagang masaya eh minsan nakakalimutan din ho natin [ang health protocols],” ani Magalong.

Base sa tala, umabot na sa 4,500 ang COVID-19 cases sa Baguio City habang sa Cordillera ay high alert dahil ang new variant virus na mas madaling makahawa ay umabot na Mt. Province at Benguet kung saan Isasailalim uli sa GCQ ang CAR kabilang na ang Baguio City sa loob ng 2 Linggo simula sa Pebrero 1. MHAR BASCO

Comments are closed.