ZAMBALES-MAHIGPIT na ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) Licensing Office ang health protocols sa lahat ng kanilang personnel at mga kliyente na kumukuha ng lisensiya sa pagmamaneho para labanan ang coronavirus.
Tiniyak ni Olongapo City LTO Licensing Chief Enrique Flores, na nasusunod ang mahigpit nilang pagpapatupad ng health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, thermal scanning at hand sanitizing.
Ganito rin ang ipinatutupad sa lahat ng tanggapan ng LTO sa lungsod para labanan ang COVID-19. ROEL TARAYAO
Comments are closed.