HEALTH PROTOCOLS SA PBA HINIGPITAN

on the spot- pilipino mirror

MAS hinigpitan ngayon ang health protocols sa Philippine Basketball Association (PBA) para sa  paghahanda sa pagbabalik-ensayo ng mga team para sa pagbubukas ng 45th season ng liga.

Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na ang mga sasamang health officer sa apat na players at coach-trainer sa workouts sa training facility ay may medical certificate dapat.

Puwede rin ang  physical therapist, at pagkatapos ng practice ay kailangang mag-shower ang mga player upang masigurong  walang virus na nakakapit sa kanilang katawan at uuwing ligtas sa kanilang mga pamilya. .

Ang ginawang paghihigpit sa protocols ay suportado ng Games and Amusements Board (GAB) na pinamumunuan ni Chairman  Baham Mitra.

o0o

Pinag-aagawan  ngayon ang kalibre ni Mac Belo ng Blackwater Bossing. Kabilang dito ang Brgy Ginebra at San Miguel na nagkaka-interest na makuha siya. Siyempre ay ‘di pahuhuli ang Magnolia Hotshots. Gusto ng Gin Kings na may makatulong si Japeth Aguilar pagdating sa loob ng court. Ang tanong lang natin ay sino ang handang  pakawalan ng Ginebra kung sakali. Habang ang Hotshots  naman daw ay handang pakawalan itong si Chris Bachero. Iba rin kasi ang galaw ni Belo sa loob ng court. Puwede siya sa loob at labas. May shooting. Hintayin na lang natin ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams ngayong ibinalik na sa GCQ ang Metro Manila.

o0o

Mas pinahaba ng GAB ang deadline sa pagpaparehistro ng mga pasong lisensiya bilang pagbibigay halaga sa kalusugan at sa sitwas­yon ng maraming professional athletes dulot ng lockdown.

Sa bagong memorandum na inilabas ng GAB na may petsang Agosto 13 at nilagdaan nina Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioners Ed Trinidad at Mar Masanguid, hanggang Disyembre 31 ang pagtanggap sa aplikasyon  sa renewal at wala pa ring nakapatong na penalty.

“In relation to the continuous threat of  COVID-19 in the country and as part of the Games and Amusement Board’s response to assist its clients, the renewal of licences for PY2020 without the corresponding penalty is hereby further extended until December 31, 2020,” nakasaad sa GAB memorandum.

Muling hinikayat ni Mitra ang lahat ng pro athletes at mga lisensiyadong indibidwal sa pangangasiwa ng professional sports agency ng bansa na ipa-renew ang kanilang mga lisensiya sa tanggapan ng GAB sa Makati City.

“Muling magbubukas ang GAB dahil balik-ECQ na ang Manila. May mga itinakda tayong health protocol para na rin sa safety ng ating mga atleta at empleyado,” sabi ni Mitra.

Comments are closed.