SA PAMAMAGITAN ng physical appearance ng balahibo ay makikita po ‘yung health status ng gagamiting panlaban at pang-breeding kung ito ba ay sakitin o healthy during upbringing o habang lumalaki.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, nakasalalay sa kanyang pagkain at kalusugan ang magiging hitsura ng balahibo ng ang ating mga manok kaya dapat ito ay nakaayos o shiny, ika nga.
“Pare-parehas na lang pong manok iyan, iisa lang po iyan na kapag tinamaan ng tari ay gagapang at gagapang sa harapan mo iyan kahit pa ano at kanino galing ang linyada na iyan, kaya magkakatalo na lamang sa pulso, pakiramdam at kung paano mo inalagaan,” ani Doc Marvin.
Sa pagpili, aniya, ng panlaban o pang-breeding na tandang at inahin, dapat po ay palaging mas malapad ang balikat at habang hinahawakan o hinihimas mo papuntang baywang ay paliit ang hugis, parang puso ng saging o parang si Michael Jordan ang built ng katawan na malapad ang balikat pero maliit lang ang baywang kasi iyon daw ang mabibilis sa pihitan at pag-ikot.
“Sa pagpili ng panlaban at materyales na gagamitin pang-breeding na tandang at inahin, isa sa basehan ko po na siya ay matatag sa labanan ay ‘yung sukat ng leeg. Dapat hindi mahaba ang leeg, parang si Mike Tyson kasi kung mahaba ang leeg, ito po nagiging site of target,” sabi ni Doc Marvin.
“Mahirap kapag natalo ang ating manok tapos sa leeg lang ang tama kasi diyan nagsisimula ‘yung tinatawag na minamalas kasi ang laki-laki ng katawan, eh kung bakit sa leeg pa tinamaan, sa tagalog po ang tawag ay na leegan/ginilitan,” dagdag pa niya.
Sa pagpili naman ng panlaban o pang-breeding man na inahin o tandang, importante na ‘yung ulo ay nakatama sa buntot para balansiyado.
“Para sa akin, kapag magaling at madiin siyang pumalo ay may bagay ang bawat palo niya, sa madaling salita, pasok nang pasok ang patama sa kanyang kalaban kung balansiyado,” ani Doc Marvin.
“Puwede namang manalo kung hindi naka-align ang buntot at ulo ay depende na po sa inyonh panlasa/standard kaya kung tataya o magbabakasakali lang din naman, mas maganda na doon na sa walang kapintasan para wala nsng dahilan. Ang buntot ay dapat kumpleto palagi at walang diperensiya dahil anumang nilalang ng Diyos na may kinalaman sa paglipad ay buntot po ang nagko-control ng balanse,” pagtatapos niya.
Comments are closed.