HEALTH TIPS SA MGA ESTUDYANTE NGAYONG TAG-ULAN

STUDENT-4

(ni CHE SARIGUMBA)

HINDI nga naman maiiwasang magkasakit ang mga bata kapag tag-ulan. Sa lamig ng panahon ay humihina ang kanilang resistensiya. Kaya bukod sa paghahanda ng masasarap at ma-susustansiyang pagkain, napakahalagang napananatili nating malakas ang kanilang pangan-gatawan.

Maraming magulang ang nag-aalala sa kanilang mga anak kapag wala sa kanilang paningin o nasa eskuwelahan. Kaya naman, narito ang ilang school health tips nang mapanatiling malusog ang anak sa kabila ng malamig na panahon at kaliwa’t kanang sakit na maa­aring dumapo:

PAGSUOTIN NG KOMPORTABLENG DAMIT AT SWAK SA PANAHON

Maulan man ang paligid ngunit hindi pa rin natin masasabing walang pasok ang mga bata. Kung may bagyo, saka lang nagka-kansela ng pasok.

At dahil hindi maiiwasang pumasok ang mga bata kahit maulan ang paligid, isa sa dapat nating siguraduhin ay ang kanilang su-suotin. Pagsuotin ang mga bata ng komportableng damit at angkop sa panahon.

Kumbaga, dahil malamig ang paligid, mas mainam kung may manggas ang kanilang susuotin. Swak din ang pants o kaya leg-gings. At dahil uso rin ang dengue ngayon, makaiiwas din ang mga bata sa nasabing sakit kung magsusuot sila ng mahahabang medyas. Lagyan din ng lotion na pangontra sa lamok o kaya naman patch.

KUNG MAY NADARAMANG SAKIT, HUWAG NANG PAPASUKIN

Kung may sakit din ang anak, huwag nang papa­sukin nang hindi na ito makahawa.

May ilang bata na kahit may sakit, gustong-gusto pa rin ang pumasok at ayaw na ayaw ang lumiban.

Kausapin ang anak. Kung may sakit ito, huwag nang papa­sukin at ipaliwanag ang dahilan.

PAGDALHIN NG HAND SANITIZER, ALCOHOL O WET WIPES ANG MGA BATA

Importante ring napananatiling malinis ang kamay ng mga bata. Kaya naman, pagdalhin ang mga bata ng alcohol, hand sanitizer o wet wipes at turuan sila sa paggamit nito.

Turuan din ang mga bata ng tamang paghuhugas ng kamay. Hindi lamang din sa school dapat nakasasanayan ng mga bata ang paghuhugas ng kamay kundi maging sa tahanan.

PAGPAHINGAHIN ANG MGA BATA

Importante rin si­yempreng nakapagpapahinga ang mga bata ng maayos o tama nang maging malusog ang katawan at maiwasan ang pagkakasakit. Kaya sa mga batang mahilig magpuyat sa paglalaro ng computer games o panonood ng telebisyon, limitahan ang kanilang pagpupuyat. O hangga’t maaari, huwag na silang pagpupuyatin at patu­lugin ng mabuti.

SABIHAN ANG MGA ANAK NA HUWAG MAGPAPAULAN

May mga pagkakataong pagkalabas sa school, nagkakayayaan ang mga batang maglaro kahit na umaambon o umuulan. May mga bata pa namang aliw na aliw sa paglalaro sa gitna ng maulang paligid.

Sabihin mang nakatutuwa ang maglaro kapag maulan, paalalahanan pa rin ang mga anak na huwag maglalaro sa ulan. Sabihan din silang huwag magtatampisaw o lulusong sa baha.

Kung maulan, patilain din muna bago luma­bas ng school o umuwi.

PAKAININ ANG MGA BATA BAGO PUMASOK

Huwag ding hahayaang pumasok ang mga bata ng walang laman ang tiyan o hindi nakakakain lalo na ng agahan.

Napakaimportanteng nakakakain ng tama ang mga bata nang masigurong may panlaban ang kanilang katawan sa kaliwa’t ka-nang sakit na nagkalat sa paligid.

Kaya siguraduhing nakakakain ang mga anak. Isa rin sa dahilan kaya’t kailangang kumain ang mga bata ay upang may lakas si-lang kaharapin ang buong araw na pagsubok sa eskuwelahan.

PABAUNAN ANG MGA ANAK  NANG MATIYAK NA

MALINIS AT HEALTHY ANG KANILANG KAKAININ

Mainam din kung nababantayan natin ang kinakain ng ating mga anak lalong-lalo na sa eskuwelahan. Kaya para makasig-uradong masustansiya  ang kakainin ng mga bata, pabaunan sila ng mga healhty na pagkain. Paalalahanan din silang nakasasama ang pagkain ng junk food. Madalas pa naman ay junk food ang mga gustong kainin ng bata. Sarap na sarap nga naman sila dito. Gayunpaman, gaano pa man kagusto ng mga bata ang junk food, pagbawalan sila sa pagkain nito. O kaya naman, pakainin lang ng kaunti nang hindi matakam ng sobra.

PANATILIHING HYDRATED ANG KATAWAN NG MGA ESTUDYANTE

Mahalaga ring napaiinom ng tubig ang mga bata. May mga batang mahilig sa juice at soft drinks at kinaaayawan ang tubig.

Gayunpaman, napaka-healthy ng tubig kaya’t sanayain  ang mga bata sa pag-inom nito. Limitahan naman sila sa pag-inom ng soft drinks. Fresh juice lang din ang ipainom sa mga bata.

Mara­ming paraan upang mapanatiling malusog ang mga bata sa kabila ng maulang paligid. At ang paraang iyan ay nakasalalay sa bawat magulang. (photos mula sa google)

One thought on “HEALTH TIPS SA MGA ESTUDYANTE NGAYONG TAG-ULAN”

Comments are closed.