MAYNILA-BAGAMAN may isang health worker ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa ulat ng Department of Health (DOH), 40 iba pa ang nakarekober at sa kabuuan ay nasa 1,664 ang tuluyang gumaling.
Habang 1,111 naman active cases at naka-quarantine, nasa 973 ang mayroong mild symptoms at isa ang nakitaan ng malalang sintomas ng sakit.
Sa datos, nabatid na hanggang Hunyo 10 ay umabot na sa 33 ang health worker deaths sa bansa, matapos na isang non-medical staffer ang madagdag pa sa bilang nito.
Dahil dito, lima na ang non-medical staffer na binawian ng buhay dahil sa virus, habang 25 ang doktor at tatlo naman ang nurse.
Pinakamarami ang mga nurse na nasa 1,022, sumunod ang mga doctor, na nasa 743, 184 ang nursing assistants, 112 ang medical technologist, 58 ang radiologic technologists, at 362 ang non-medical staff.
Kamakailan lamang ay matatandaang binigyan na ng DOH ng tig-P1 milyon ang mga kaanak ng mga health sector frontliners na namatay da-hil sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.
Ang mga ikinokonsidera naming ‘severely ill’ o malala ang karamdaman dahil sa virus ay binigyan ng tseke na tig-P100,000. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.