HEALTH WORKERS NA MASASANGKOT SA ILEGAL NA PAGTUTUROK NG COVID-19 VACCINE BINALAAAN

Mayor Isko Moreno

BINALAAN kahapon ni  Manila Mayor Isko Moreno ang mga health worker sa lungsod na masasangkot sa ilegal o hindi awtorisadong innoculation o pagbabakuna ng COVID-19.

Babala ng alkalde, maaaring maharap sa reklamong administratibo at kriminal ang medical professionals na mangangasiwa ng vaccination o pagbakuna ng produktong hindi sertipikado o rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA).

Nagpaalala rin naman si Moreno sa mga doktor at nurses sa lungsod na huwag silang magtuturok ng bakuna ng basta-basta dahil may responsibilidad at pananagutan sila bilang medical professionals.

Ayon kay Moreno, sa lungsod ng Maynila ay naninindigan sa panuntunan alinsunod sa national government pagdating sa mga hakbang na may kinalaman sa COVID-19.

Inamin naman ni Moreno na hindi pa nila nakakalawit ang napaulat na vaccination activity sa bahagi ng Binondo.

Wala pa rin anila silang nakitang klinika o pasilidad at partikular na taong sabit sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa lungsod.

Gayunman, nanawagan siya sa mga Manilenyo na huwag magpabakuna ng hindi sertipikado. VERLIN RUIZ

Comments are closed.