HEALTH WORKERS NA TINAMAAN NG COVID-19 UMAKYAT SA 2,420

Maria Rosario Vergeire

UMAKYAT na sa 2,420 ang bilang ng mga health worker sa bansa na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa kabuuang bilang ay 1,226  ang aktibong kaso kung saan 288 ang asymptomatic, 936 naman ang mild cases habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan.

Dagdag pa nito nasa 304 naman ang mga non-medical staff na tinamaan din ng sakit.

Samantala, umabot naman sa 1,163 ang health workers na gumaling sa COVID-19 habang nananatili  sa 31 ang nasawi.

Matatandaan na inihayag ng DOH na hindi na nadagdagan ang bilang ng mga health worker na nasawi dahil posibleng alam na ng mga ito ang tamang pamamaraan upang hindi sila mahawaan ng virus.

Comments are closed.