(Health workers umalma) FOOD ITEMS PALIT SA CASH INCENTIVES

CASH AID-2

HINILING ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) na mag-update sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa naging pagsunod nito sa itinatakda ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 2.

Ito’y bunsod na rin ng mga reklamong natanggap ng mambabatas mula sa health workers ng ilang government hospitals, partikular ang nakabase sa Quezon City, hinggil sa inaasahan nilang matatangap na cash incentives sa ilalim ng nasabing batas.

Ayon kay Defensor, ang mga kawani ng specialty hospitals na ito sa lungsod ay inabisuhang bibigyan na lamang ng food items gaya ng bigas at groceries sa halip na pera na aabot sa P40,000 bawat isa.

“These health workers are expected to receive up to P40,000 in additional emolument last week, but were told that they would get it in the form of rice and groceries. Because of the pandemic, the Bayanihan 2 law grants our health personnel a special monthly risk allowance on top of their hazard pay and other benefits. As far as I could remember, the mandate is to give these benefits in cash,” sabi pa ng kongresista.

Ang mas malungkot, aniya, ang benepisyong ito ay ilang buwan nang dapat naibigay kung kaya mas malaking dagok sa medical frontliners kung bigas at grocery items lang ang kanilang matatanggap.

“That deprives our health workers of spending flexibility. Since June is school enrollment period, they might want to spend their money on their children’s tuition or school supplies,” pagbibigay-diin ni Defensor.

“The amount involved is huge even for just one hospital. If for instance, there are 500 hospital personnel entitled to P40,000 each, the sum that would be converted to food items would be P20 million,” sabi pa niya.

Nabatid kay Defensor na aabot sa P13.5 billion ang inilaan sa DOH sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa pagkakaloob ng special risk allowance, life insurance, meals, transportation at accommodation sa mga health worker bukod pa sa karagdagang kompensasyon sa medical frontliners na tinamaan ng coronavirus. ROMER R. BUTUYAN

One thought on “(Health workers umalma) FOOD ITEMS PALIT SA CASH INCENTIVES”

  1. 350300 764865Hi my friend! I want to say that this post is awesome, nice written and contain almost all significant infos. Id like to see a lot more posts like this . 862127

Leave a Reply

Your email address will not be published.