(ni CT SARIGUMBA)
PAPALAPIT na nga naman ng papalapit ang holiday. Excited na ang marami sa atin hindi lamang sa matatanggap na regalo kundi dahil sa makakasama ang buong pamilya at higit sa lahat, ang makapaghanda ng masasarap na putaheng kaiibigan ng ating mga mahal sa buhay.
Ginagawa nga naman nating espesyal ang pagsapit ng Pasko. Lahat tayo ay pinaghahandaan ito—mula sa pagpapaganda ng tahanan, pamimili ng mga regalo at ang pagluluto ng masasarap na putaheng inaabang-abangan ng ating magiging bisita—kamag-anak man iyan, kakilala, kaibigan o kaopisina.
Walang kasing sarap sa pakiramdam ang makapaghanda ng iba’t ibang lutuing kagigiliwan ng kahit na sino. Pero hindi lamang dapat masarap ang isaisip natin sa tuwing maghahanda tayo, kailangang healthy rin ito.
Kaya naman sa mga nag-iisip ng mga healthy holiday dessert, narito ang ilan sa mga puwede ninyong subukan na siguradong masarap at babalik-balikan nang makatitikim:
WHOLE-WHEAT SUGAR COOKIES
Unang-una sa ating listahan ang whole-wheat sugar cookies. Hindi nga naman kailanman nawawala ang cookies sa bawat handaan dahil paboritong-paborito ito hindi lamang ng mga bata gayundin ng matatanda.
Kaya naman, kung gusto mong i-level up ang sarap ng cookies at gawin itong healthy para swak sa lahat, puwede kang gumawa ng whole-wheat sugar cookies.
Simpleng-simple lang din itong gawin. Tiyak na swak na swak din ito sa iyong panlasa, lalo na sa iyong mga magiging bisita.
Hindi rin magi-guilty ang kakain nito kahit na maparami pa ang kain. Tiyak ding mapangingiti sa sarap ang makatitikim sa ginawa mong dessert.
Kaya’t kung nag-iisip nang ihahandang dessert ngayong parating na holiday, subukan na ang Whole-Wheat Sugar Cookies.
CRANBERRYNUT CHOCOLATE COOKIES
Bukod din sa Whole-Wheat sugar Cookies, isa pa sa mainam subukan ang Cranberry-Nut Chocolate Cookies.
Alam na alam na nga naman natin na mahilig sa cookies ang marami sa atin. Hindi lamang din ito panghanda kundi puwedeng-puwede rin itong ipanregalo.
Bukod sa napakasarap ng cookies na ito, hindi mo rin mahahalata o mapapansing naglalaman ito ng whole wheat, fiber-rich oats, at omega-rich walnuts.
Kaya naman, okey na okey itong ihanda at pagsaluhan. O kaya naman, ipanregalo sa mga taong malapit sa iyo. Tiyak, ngiti ng pasasalamat ang ihahandog nila sa iyo kapag natikman nila ang iyong inihanda o iniregalo.
CRANBERRY-ORANGE FRUIT BARS
Maganda rin itong pandagdag sa handa mo ngayong paparating na Pasko. Puwedeng-puwede nga naman itong papakin habang nagkukuwentuhan kayo ng iyong mga kaibigan at kapamilya. Magugustuhan din ito ng kahit na sino. At ang isa pa sa maganda, low-calorie ang cranberry-orange fruit bars.
PEANUT BUTTER FUDGE
Isa pa sa napakasarap subukan ay ang peanut butter fudge. Gamit nga naman ang apat na mga sangkap ay makagagawa ka na ng peanut butter fudge. Thirty minutes lang din ang igugugol na oras sa paggawa nito.
Mataas ang taglay na protein nito at mayroon ding healthy fats.
AVOCADO CHOCOLATE MOUSSE WITH FRUITS
Prutas ang isa pa sa napaka-healthy at masarap ihanda sa kahit na anong okasyon. Isa rin sa pinaka-healthy at masarap ang avocado kaya’t swak na swak itong gamitin sa ihahandang dessert ngayong papalapit na Pasko.
Kailangan mo lang sa paggawa nito ay ang avocado at iba pang prutas na nais mong gamitin at ang blender.
Mas lalo kasing sumasarap ang isang dessert lalo na kung may nakalagay itong fresh fruits sa itaas. Maganda rin ito sa paningin at katakam-takam.
CINNAMON BAKED PEARS
Bukod sa avocado, isa pang prutas na maaaring gamitin bilang dessert ang pears. Hugasang mabuti lang ang peras at hiwain ito sa gitna. Pagkatapos mahiwa sa gitna, pahiran na ito cinnamon at maple syrup saka i-bake.
Puwede rin itong lagyan sa ibabaw ng granola o kaya naman yoghurt. Depende sa gusto mong toppings.
Talagang hindi kailanman mawawala ang dessert sa atin—may okasyon man o wala. Kaya naman, mas maganda at para na rin mas ma-enjoy natin ang pagkain, healthy at low-calorie desserts ang ating ihanda. Kagaya na nga lang ng mga ibinahagi namin sa inyo. (photos mula sa howsweeteats.com at jessicainthekitchen.com)
Comments are closed.