HEALTHY EATING TIPS NGAYONG SUMMER

HEALTHY EATING TIPS

(Ni CHE SARIGUMBA)

NGAYONG summer, kailangang maging maingat tayo sa pagkain nang maiwasan ang samu’t sa­ring sakit gaya na lang ng food poisoning.

Kaya nga’t ipinapayo sa mga hahawak o magluluto ng pagkain, siguraduhing malinis ang kamay gayundin ang mga  kasangka-pan at ingredients na gagamitin. Higit sa lahat, lutuin ding mabuti ang mga pagkain.

Masarap kumain kapag tag-init. Kunsabagay, wala nga namang panahon ang kahiligan natin sa pagkain. Maulan man o mainit, naghahanap tayo ng katakam-takam na putahe o pang mer­yenda.

Ngunit hindi sapat na mahilig tayo sa pagkain. Kailangang isinasaalang-alang natin ang ating kaligtasan.

Dahil diyan, narito ang ilan sa mga healthy eating tips ngayong summer nang maiwasan ang sakit dulot ng panahon:

KUMAIN NG MASUSUSTANSIYANG PAGKAIN

Siguro, kung mayroon mang payo o advice na parang sirang plaka at paulit-ulit na lang, iyan ang pagkain ng masustansiyang pagkain sa agahan. Iwasan din ang pag-skip ng breakfast.

Paulit-ulit. Madalas nating nababasa o nari­rinig pero lagi namang sinasantabi o hindi pinag-uukulan ng pansin.

Napakahalaga ng pagkain ng breakfast na healthy o masustansiya sapagkat ito ang magsisilbing fuel ng ating utak.

Kumbaga, sa uma­ga pa lang ay dapat na healthy o masustansiya na ang ating kakainin nang may magamit tayo sa maghapong pakiki­pagsapalaran sa mundo.

SUBUKAN ANG SUMMER GRILLING

Masarap ding mag-ihaw kapag summer. Bukod sa nakadaragdag ng flavor o sarap ang pag-grill o pag-ihaw ng mga pagkain—gulay man, karne, manok o isda, masisiguro mo pang lutong-luto ang pagkain o gulay na ihahanda mo sa iyong pamilya.

Magandang bonding din ang pag-grill kapag summer.

MAGING MAPILI SA PAGKAIN KUNG KAKAIN SA FAST FOOD

Marami nga naman sa atin ang abalang-abala at kung minsan o madalas pa nga ay hindi na nakapagluluto ng masasarap at ma-susutansiyang pagkain para sa sarili at pamilya. At dahil sa kaabalahan, laging tinatakbuhan ng marami sa atin ang fast food at res-taurant. Wala nga namang kahirap-hirap, o-order ka lang o magpapa-deliver, may pagkain na ang inyong buong pamilya.

Pero hindi lahat ng pagkain sa labas—sa restaurant man o fast food ay masasabi na­ting healthy.

Kaya kung walang panahong magluto o mas piniling kumain sa labas o magpa-deliver, maging mapili sa bibilhing pagkain. Sig-uraduhing healthy ang bibilhin o hindi gaanong matataba at maaalat.

MAGBAON NG HEALTHY SNACKS O DISH

Mainam din ang pagbabaon ng healthy snacks at dish nang mapanatiling malusog ang katawan. Puwede kang magbaon ng mga pagkaing sagana sa nutrisyon gaya ng fresh fruits, rice cakes, wheat breads o crackers.

PANATILIHING HYDRATED ANG KATAWAN

Huwag din siyempreng kaliligtaan ang pag-inom ng maraming tubig lalo na’t sobrang init ng panahon.

Oo nga’t isa rin ang payong ito sa lagi na­ting nababasa at na­ririnig ngunit madalas din namang hindi pinapansin.

Pero makabubuti ang pag-inom ng 9 hanggang 13 baso ng tubig sa isang araw o higit pa nang ma­panatiling hydrated ang ka-tawan.

HUWAG KALILIGTAAN ANG MAG-EHERSISYO O MAGLAKAD-LAKAD

Hindi rin siyempre kailangang kaligtaan  ang pag-eehersisyo ngayong summer nang mapanatili nating malakas ang ating ka-tawan.

Hindi naman din kailangang mabibigat na ehersisyo ang gagawin. Kahit ang simpleng paglalakad ay swak na.

Maraming tips ang puwede nating gawin upang mapanatiling healthy ang katawan ngayong summer. Bukod nga naman sa pagkain ng masusustansiya, pag-­inom ng maraming tubig at pag-eehersisyo, mainam din ang pagre-relax.

(photo credit: nbcnews.com, mindful.sodexo.com, superiorculinarycenter.com)

Comments are closed.