PAMINSAN-MINSAN na lamang lumalabas sa pelikula at telebisyon si Jan Marini, o parang semi-retired na siya. Jan Marini started her showbiz career in Ang TV, an ABS-CBN’s teen-oriented gag/variety show noong dekada nobenta.
Nakatutuwa na makita siya sa isang event sa Shangrila Mall kamakailan at malaman na isa na siyang tagumpay na negosyante.
Nagsimula sa pagbebenta ng mga healthy-baked goods sa mga bazaar ang aktres na si Jan Marini. At dahil nga palagian na siyang naiimbita sa mga bazaar, dumami ang demand ng kanyang baked goods pero napansin niyang maiksi lang ang buhay ng mga ito. Kaya naman nag-isip siya kung anong produkto ang mahaba ang shelf life na swak sa kanyang pagsali sa mga bazaar.
Dahil mayroon nang family business ang kanyang pinsan na si Jeanie Lee, naisipan niyang makipag-partner dito na hindi pa rin umaalis sa linya ng healthy foods dahil ang kanilang ibinebenta ng kanyang ate ay organic mushroom chicharon.
Naging patok ito dahil marami na nga sa mga Filipino na naeengganyong kumain ng mga healthy goods. Naniniwala rin si Jan na mabenta ang healthy products nila lalo na ang sikat nilang organic mushroom chicharon dahil sa marami na ang lumilipat sa plant-based eating o lifestyle.
Hindi naman masyadong mataas ang naging kapital ni Jan sa negosyo dahil sa bazaar siya nagsimula na paliwanag niya ay maganda para sa mga entrepreneur moms na gustong sumabak sa negosyo.
Ang kanilang produkto ay nagiging malakas tuwing Pasko dahil sa paniniwala niya ay ito ang mga panahong nasa mood ang mga taong kumain ng healthy dahil sa puro mabibigat na handaan ang pinupuntahan.
Kung mayroong panahon na mabili, mayroon ding hindi. Dumadaan din sa lean season ang kanilang negosyo pero hindi sila nag-aalala sa benta dahil sa maraming resellers nito at sa haba ng shelf life ng produkto na umaabot ng anim na buwan.
Sa negosyo nila Jan, ipinapakita na mahalagang makuha ang pulso ng bibili para sa gayon ay bumenta ang negosyo. Importante rin ang pagkonsidera sa itatagal ng buhay ng produkto para maiwasang malugi.
Sa ngayon, bukod sa regular na pagsali sa bazaar ni Jan, matatagpuan din sa iba’t ibang lugar ang Jalees Farms organic chicharon dahilan sa mga reseller nito. At kung nais umorder ay maaaring magmensahe sa Facebook at Instagram account nila na @jaleesfarms. Habang sa personal na Instagram naman ni Jan na @janmarini ang puwedeng padalhan ng mensahe para sa kanyang patuloy na pagbebenta ng healthy-baked goods. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.