Healthy Habits While Borrowing Digitally

Bayad muna bago utang: 5 financial habits para iwas utang ngayong 2022

Instant na ngayon ang mangutang, pero hindi ang pagbabayad sa mga pinagkakautangan lalo na sa mga hindi marunong humawak ng pera. At ngayon, sa tinatawag na digital age, minsan anong bilis magastos ang pera, katumbas naman ang hirap ng pag-iipon nito. Kaya bago maisipang mag-add to cart, tingnan ang mga diskarte tips para mabilis makapag-ipon ngayong taon:

1. Huwag palampasin sa due date ang pagbabayad ng utang
Parating na naman si Judith. Iwasang patagalin ang pagbabayad ng utang para mapanatili ang iyong magandang credit scores at maiwasan ang pagkakaroon ng multa. Kung mas maaga kang nakakabayad ng utang, mas tataas ang tsansang makakautang ka ulit sa susunod. Maluwag na payment options ang hatid ng Tala upang mapadali ang proseso ng paghiram ng pera. Maaaring pumili ng araw ng pagbabayad sa Tala para higit na maiayon ito sa pagdating ng buwanang sahod.

2. Sanayin ang sarili sa wais na paggastos (huwag lang bumili kasi gusto mo)
Kung bibili ng bagong gamit, pag-isipang mabuti kung kailangan mo ba ito o gusto mo lamang bilhin. Ika nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Bumili at gumastos ayon lamang sa pangangailangan, lalo na sa paghiram ng pera. Hindi na kailangan pang mamaluktot lalo na kung maiksi ang kumot dahil mura at mabilis lang ang pagkuha ng microloans sa Tala.

3. Tiyaking on track sa mga gastusin
Mahirap alalahanin ang iyong mga nagastos sa nakaraang buwan. Gumawa ng listahan. Magiging gabay ito upang ipaalala kung kailan ka na pwedeng mangutang ulit. Sa Tala app, hindi ka na mahihirapan pang subaybayan ang iyong microloans at makikita mo lamang ang mga ito sa isang click.

4. Matuto po tayong mag-ipon
Gaano man kahirap ang pag-iipon sa panahon ngayon, subukan mo pa rin. Pwedeng magsimula sa isandaang piso kada araw at dahan-dahang dagdagan ang halaga nito. Ang halaga na karaniwang ipinapayo ng mga financial coach na dapat ipunin ay 10% ng iyong kabuuang kita bawat buwan.

Halimbawa, kung kumikita ka ng P40,000 kada buwan, gawin mong layunin na makaipon ng P4,000 bawat buwan.

Bagamat hirap makaipon lalo na kung may mga dapat pang bayarang utang, mabuting sulitin ang paggamit nito. Tingnan kung kaya mong makapag-ipon, kahit magsimula sa maliit na halaga, matapos mong gamitin ang iyong hiniram na pera.

5. Ugaliing basahin ang iyong loan agreement—at intindihin ang detalye
Unawain ang mga nakalagay tulad ng kasunduan ng pangungutang gaya ng interest rates, payment dates, at iba pang mga bayarin na hindi mo napapansin. Siguradong mapagkakatiwalaan mo ang Tala, dahil hindi ito sumisingil ng surprise fees at sumusunod siya sa Truth in Lending Act o sa Republic Act 3765.

Madaling gastusin at mahirap kitain ang pera kaya mas makabubuti kung mayroon tayong mahuhugot sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Habang dumarami ang pinagkukuhanan ng ating pera, higit na lumalaki rin ang responsibilidad para gamitin mo ito sa tamang paraan.

Nasa mahigit 7 milyong tao na ang natulungan ng Tala sa buong mundo. Karamihan sa mga ito ay customers na nangangailangan ng pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan at ang mga gustong magsimula at magpalago ng kanilang negosyo. Bilang isang global technology company, layunin ng Tala na gawing mas accessible ang financial services nito para sa lahat sa pamamagitan ng flexible, convenient, at online microloans na ibinibigay nito. Ilang buhay na ang nabago nang dahil sa Tala. Sa Tala, maaabot mo ang financial goals mo. Tara na sa Tala: https://tala.ph/borrow/

Ang Tala ay pinamamahalaan ng Tala Financing Philippines Inc., isang lisensyadong financing company na may SEC Registration No. CS201710582 at Certificate of Authority No. 1132.