HEALTHY NA INUMIN PARA MAKAIWAS SA SAKIT NGAYONG TAG-INIT

INUMIN

(Ni AIMEE GRACE ANOC)

NGAYONG summer ang panahon kung saan masarap magbakasyon. Pero dahil sa tindi ng init na ­ating nararanasan ngayon, hindi maiiwasang ma­antala ang masayang getaway na ating ina­asam-asam kasama ang pamilya at barkada.

Ang mainit na panahon ay nagpapalala at nakapagdudulot ng sakit tulad ng bungang araw, sunburn, heatstroke, dehydration, fungi sa balat, bulu-tong, sore eyes, ubo at sipon, pagtatae, pananakit ng ulo, motion sickness at marami pang iba. Kaya narito ang ­ilang healthy drinks bukod sa tubig na makatutulong para maiwasan ang mga sakit na ito at makapagpapabuti pa sa inyong kalusugan:

SOY MILK

Ang Soya Milk ay nagtataglay ng fiber at protein na tumutulong magpababa ng (bad) cholesterol levels at cardiovascular disease tulad ng stroke, heart attack at iba pang heart diseases. Mas makabubuting bumili ng fortified soy milk na mayroong calcium, vitamins A at D na nakatutulong magpaba-ba ng tiyansang magkaroon ng heart disease. Napaka­inam nito ngayong summer lalo na’t mas mataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng mga komplikasy-on na may kinalaman sa puso.

MELON JUICE

Isa pa sa healthy na inumin na kailangang kahiligan ngayong summer ay ang melon juice. Nagtataglay ng dietary fiber, vitamin C, antioxidants at be-ta carotene ang melon. Mainam din ang nasabing juice sa nagpapapayat o nagnanais na magpababa ng timbang.

ORANGE JUICE

Paniguradong marami sa atin ang nahihilig dito dahil sa mayamang bitamina na taglay nito na tumutulong magpalakas ng ating immune system. Ang pag-inom ng Orange juice na karaniwang pinagkukunan ng Vitamin C ay mayaman din sa antioxidant na lumalaban sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng katarata at sakit sa baga. Nakabubuti rin ang pag-inom nito upang maprotektahan ang sanggol na nasa sinapupunan mula sa neural-tube defects (pagka-karoon ng diperensiya ng sanggol habang pinagbubuntis na nangyayari sa unang buwan ng pagbubuntis).

PAPAYA JUICE

Isa ang papaya sa masarap kainin hindi lamang kapag summer. Ngunit puwede ring gamiting juice ang nasabing prutas. Mayaman nga naman ito sa proteolytic enzymes na nakatutulong sa pag-digest ng protein. Nakapagpapa-rejuvenates din ng katawan ang papaya kapag summer at mainam sa puso.

MINT TEA

Nakatutulong naman ang mint tea sa indigestion lalo na kung napasarap ng kain sa paborito mong kainan o sa bahay man. Ang mint ay isang anti-spasmodic na nakapagpapa-relax ng muscles na nakababawas sa paninigas at pananakit ng tiyan, ayon kay MD Susan Lark ng librong “The Chemistry of Success”.

COCONUT WATER

Kapag mainit ang panahon, hindi maiiwasan ang dehydration. Nakapagpapa-drain din ito. Isa pa sa mainam inu­min para mapanatiling hydrated ang katawan ay ang coconut water. Nagtataglay ang coconut water ng electrolytes na mainam sa magandang function ng cells.

Ang electrolytes ay mainam upang mabalanse ang katawan sa pag-carry ng electrical impulses mula sa iba’t ibang organs patungo sa brain.

Ilan lamang ito sa masusustansiyang inumin na nakapagpapabuti sa ating kalusugan at nakatutulong upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. Happy healthy living sa pag-inom ng healthy drinks para sa isang memorable summer getaway na walang inaalalang sakit o anumang karamdaman. (Photo credit: .vogue.in, theblackpeppercorn.com, verywellfit.com)

Comments are closed.