HEALTHY TRAVEL TIPS KAPAG MAINIT ANG PANAHON

HEALTHY TRAVEL TIPS

BUKOD sa kagustuhan nating malamigan ang pakiramdam ngayong mainit ang panahon at marating ang magagandang lugar sa iba’t ibang bansa, isa pa siyempre sa kailangan nating isaisip ang ating kalusugan.

Hindi na maitatanggi ang pag-init ng panahon. At sa mga ganitong panahon, sabik na rin ang marami sa ating makapagbakasyon at makapag-relax.

Pero bago ang gagawing pagliliwaliw, narito muna ang kailangan nating pagtuunan ng pansin.

BAGO MAG-TRAVEL

Bago tayo magtungo sa isang lugar—malapit man iyan o malayuan, napakahalagang nasisiguro nating healthy tayo at fit mag-travel.

Hindi lang naman kasi millennial ang mahilig dumayo sa iba’t ibang lugar, gayundin ang may mga edad na.

Pero kahit na gaano ka pa kabata o katanda, importanteng nakapagpatingin tayo sa doktor nang malaman nating fit o puwede tayong bumiyahe.

Kailangang nakatitiyak tayong puwede tayong bumiyahe o kaya ng ating katawan nang hindi magkaroon ng problema sa pupun-tahan. Mabuti na nga naman ang sigurado kaysa sa magsisi tayo sa huli.

Bukod din sa pagpapatingin sa doktor apat na buwan bago ang gagawing pagbiyahe, mahalaga ring nalalaman natin kung ano-anong gamit ang kailangan nating dalhin gaya na lang ng first aid at medical kit.

Alam naman na­ting parang pag-ibig ang sakit, bigla-bigla na lang ito kung dumapo. Kaya naman, para makasiguro, magdala ng first aid kit. At ang first aid kit na dadalhin ay dapat na aprubado ng iyong doktor. Iwasan ang self medication sapagkat may kaaki-bat itong problema.

Bago rin ang pagbiyahe, mahalaga ring nakapagtanong ng tungkol sa evacuation at travel insurance.

HABANG NASA TRIP

Habang nasa trip naman, importante rin ang pagiging alerto lalo na’t nasa ibang lugar ka. Kapag nagkasakit habang nasa biyahe, huwag ipagwalang bahala at magpatingin kaagad sa espesyalista.

Magdala rin ng angkop na damit at repelant lotion nang maprotektahan ang sarili sa kagat ng lamok.

Maging maingat din sa kakainin at iinumin. Hindi lahat ng pagkain at inumin sa pupuntahang lugar ay ligtas. Maaari itong mag-dulot ng food poisoning lalo na kung hindi tayo na­ging maingat. Usong-uso pa naman ang food poisoning kapag mainit ang panahon.

Huwag ding kaliligtaan ang paglalagay ng sunscreen na may sapat na SPF nang maprotektahan ang balat laban sa sikat ng araw. Magsuot din ng sombrero at sunglasses kung sobrang init ng panahon.

Higit sa lahat, huwag kalilimutang isama sa itinerary o mga gagawin sa pinuntahang lugar ang pagpapahinga.

Oo, sabihin na nating gusto ninyong masulit ang inyong bakasyon. Ngunit mahalagang nakapagpapahinga upang makabawi ang katawan at maiwasan ang pagkakasakit.

MATAPOS ANG BAKASYON

Pagkatapos din ng ginawang pamamasyal, may mga kailangan din tayong gawin. Unang-una sa kailangan nating i-check ay ang bank at credit card statements lalo na kung gumamit tayo ng credit card o debit card sa pamamasyal.

Ito ay upang maiwasan ang double charges, missing refund credits o ang masaklap, ang magbayad ng hindi mo naman ginastos.

Ikalawa, ipahinga ang katawan at isipan. Sabihin man nating galing tayo sa trip, hindi pa rin maiiwasang makadarama tayo ng pagod at stress. Isa sa dahilan ng stress sa trip o pagbiyahe ang pagka-delay ng flight.

Kung minsan din, nagkakasakit ang isang traveler matapos itong bumiyahe.

Para maiwasan ang pagkakasakit, alagaan ang sarili at magpahi­nga nang maayos. Uminom din ng maraming tubig nang mapa-natiling hydrated ang katawan.

IBAHAGI ANG NAGING EXPERIENCE SA GINAWANG TRIP

Nakatutuwa rin ang pagbabahagi ng expe­rience sa ginawang trip. Nakababawas din ito ng stress kaya’t mainam din itong gawin matapos ang pamamasyal. Puwede kang magsulat ng tungkol sa ginawang pamamasyal at ikuwento rito ang mga nakatutu-wang ginawa na maaaring makaeng­ganyo sa maraming mag-travel din o maglaan din ng panahong makapag-travel.

Walang kasing sarap ang mag-travel. Gayunpaman, dapat ay maging handa tayo nang maging maayos, matiwasay at masaya ang gagawing trip. (photo credits: applyboard.com at thevehiclewrappingcentre.com)

Comments are closed.