HAPPY ang Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil isa siya sa magiging hurado ng sikat na GMA artista search show na “Starstuck” na magbabalik sa bago nitong season ngayong taon.
“I always wanted to be a judge of a talent show,” hirit niya. Excited daw siya dahil first time niya itong gagawin.
“Yes, it’s my first time, sa pagbabalik ng Starstruck after two years. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin, ‘I’m sorry it’s a no.’ I don’t know how, but I’m very excited for that,” pahayag niya.
Napapanahon din daw ang nasabing star search dahil naniniwala siyang maraming young hopefuls na talentado na kailangan lamang ng tamang breaks para madiskubre sa showbiz.
Sa mga bagong star na madidiskubre niya sa GMA7 sa pamamagitan ng nasabing programa, wala raw siyang specific na quality na hinahanap.
“You know wala siyang specific quality, it’s either you have it or you don’t. That’s for me, yes definitely, that’s the X factor but there’s a spark about somebody. It’s not about how you look, it’s not about how great of a singer you are, there’s just something about who you are that makes you different,” paliwanag niya. “I think that’s something I want to look for. So kahit shy sila you’ll know, even if they don’t do their best sa audition you’ll just know that this person was meant to do great things, so ‘yon siguro ‘yong hahanapin ko,” dugtong niya.
JOHN PRATS HANDS ON DADDY
MALAKI ang naging pagbabago sa buhay at karera ni John Prats mula nang siya ay mag-asawa at magkaroon ng mga anak.
Pagpapatotoo pa niya, naging turning point daw ito para sa kanya para planuhing mabuti hindi lang ang kanyang kinabukasan kundi pati ng kanyang pamilya.
Katunayan, isang proud father siya kina Daniel Freedom at Lily Feather, ang kanyang mga anak sa TV at movie actress na si Isabel Oli.
“Ibang klase ang fulfillment at excitement. Kung dati ang priority mo lang ang sarili mo, ngayon, mas lumawak ang mundo mo”, aniya. “Mas masaya rin siya. Ibang-iba rin ang responsibility. Kung dati ang hirap kong gisingin pero ‘pag umiyak na siya, gising na ako agad. May rason na akong gumising nang maaga. When I work, I don’t mind kahit walang kasing cut-off dahil you have to provide for your family”, pahabol niya.
Pagtatapat pa niya, hands on father daw siya kina Daniel Freedom at Lily Feather.
“Oo naman. I tape everyday for my teleserye. Umuuwi ako ng 2 am. Night shift ako. Ako ang nagkakarga kay Daniel kasi pagod na si Liv (Isabel). Noong una ang hirap, kasi hindi ko alam kung bakit siya umiiyak, kung kailangan ba niyang mag-change ng diaper o gutom lang siya. Pero, as I get along, na-relax na ako sa kanya,” pahayag niya.
Ayon pa kay John, marami siyang mga bagay na natutunan sa pagdating ng kanyang panganay at bunsong isinilang noong Nobyembre sa kanilang mag-asawa.
“Natuto akong mag-swaddle ng baby. Hindi ako nagtitimpla ng gatas kasi breastfed siya ni Liv pero marunong akong mag-change ng diapers. Pati iyong pag-burp niya. Every morning, pinaaarawan ko rin siya for about 15 minutes. Iyon ang nagiging bonding naming mag-ama,” kuwento niya.
Comments are closed.