HEART EVANGELISTA HANDA NANG MULING MAGKA-BABY

SA UNANG pagkakataon ay nakapagsalita na rin si Heart Evangelista nang mag-guest sa Sarap Diva nihot shots Regine Velasquez na tanggap na niya ang pagkawala ng kambal na anak nila ni Senator Chiz Escudero.

“Actually, I haven’t  spoken about it for a while kasi parang I felt na I wanted to be stronger, although I`m still not stronger, but I can smile about what happened – not naman smile, but I`m alright. Natanggap ko na siya,” say ni Heart.

Ipinagtapat din niya na dahil sa nangyari ay naging matibay pa ang kanilang relasyon ni Senator Chiz.

Na-touch daw siya sa asawa nang minsang ma­kita niyang namumula ang mata nito pagkatapos ng nangyari.

“One time, akala niya tulog ako, pagbaba ko, hindi niya alam na nandoon ako. Pagtingin ko, namumula na pala ang mata niya. Na-touch ako dahil su-per-supportive niya. Kung super-supportive siya pagdating sa fashion week, he`s such a family guy. Grabe ang pagmamahal niya sa mga bata,” kuwento pa ni Heart.

Ikinuwento rin niya ang naging reaction ni Se­nator Chiz nang malaman nitong nawala na ang heartbeat ng kanilang baby.

“He was so happy that I was finally pregnant. In fact, kaya ako naiyak when I found out that I lost the baby kasi noong sinabi ng doctor na wala ‘yung heartbeat ng baby, nabitiwan niya ‘yung phone niya kasi nabigla siya.

“So, lalo akong naiyak kasi for somebody who`s  so strong, parang nakita ko na nag-peak nang kaunti ‘yung kanyang emo-tion,” patuloy na kuwento pa ni Heart.

Binigyan naman siya ni Regine ng words of encouragement at sinabihan na bata pa naman siya (Heart).

“Ako nga, I got pregnant, 40 years old na ko, first baby ko,” say ng Songbird.

TERESA LOYZAGA NANGISDA SA AUSTRALIA PARA MAKAKAIN ANG MGA ANAK

TERESA LOYZAGANA-FEATURE sa Tunay na Buhay ang dinanas na hirap ni Teresa Loyzaga noong mag-migrate siya sa Australia. Year 2000 nang lisanin niya ang kanyang showbiz career para manirahan sa ibang bansa kapiling ang kanyang dalawang anak na sina Diego Loyzaga at Joseph Dizon.

Mag-isa niyang pina­laki ang dalawang anak at inamin na ginawa raw niyang lisanin ang showbiz para tuparin ang kahilingan ng kanyang ama na si Caloy Loyzaga na pumanaw na noong 2016.

“With all my credentials, I went and I applied for a job in Australia. With my career and everything, I just wanted to fulfill my dad`s wish of the whole family being there and  I wanted to move there,” say ni Teresa.

Naranasan daw niya doon ang magtrabaho bilang isang ordinaryong tao, malayo sa dinanas niyang buhay bilang celebrity sa ating bansa.

“Kama-migrate ko lang, e. Wala akong anything, so I couldn’t  apply sa mga opisina, ganoon. So, I had to apply, let`s say sales marketing in the streets or retail, or something like that.

“So, we went through the whole process, pero minsan wala sinu-shoo away kami,” mangiyak-ngiyak na pag-alala ni Teresa.

May pagkakataon daw na wala siyang kinikitang pera at lagi niyang naiisip ang kanyang dalawang anak.

Para may mapakain siya sa kanyang mga anak ay natuto siyang mangisda sa Australia.

“Magaling ako ma­ngisda. Maghapon, magdamag kaming nangingisda. Iuuwi ko ‘yung mga isdang nahuli ko, ‘yun ang papa-kain ko sa mga anak ko, I`m proud to say that.”

Nang mga sandaling ‘yun ay hindi na raw niya inisip na dati siyang artista. Ang nasa isip lang niya ay kung paano mairaos ang araw na ‘yun na may pagkain sila sa lamesa.

‘Di naman nagtagal ay naging isang flight attendant si Teresa sa Australia at doon na nagsimula ang maganda nilang buhay mag-anak. Siya ay 14 years  na nagtrabaho bilang flight attendant sa Qantas airlines pero iniwan na niya ito para muling harapin ang pag-aartista sa ating bansa.

CARLA ABELLANA NAPI-PRESSURE DAHIL SIYA NA LANG ANG WALANG ASAWA SA KANILANG BARKADA

CARLA ABELLANAIPINAGTAPAT ni Carla Abellana na napi-pressure siya dahil siya na lang ang bukod tangi sa kanilang magkakabarkada ang wala pang asawa.

Four years na ang relasyon nila ni Tom Rodriquez pero wala pa siyang natatanggap na married proposal sa boyfriend.

Ayon kay Carla ay hindi raw talaga nila pinag-uusapan ang kasal dahil alam nila na dapat paghandaan ng dalawang magpapakasal ang kanilang magiging buhay mag-asawa.

Dapat ay kapwa raw stable na sila para maging maganda ang kinabukasan ng kanilang magiging baby.

Samantala, nakaka-relate si Carla sa istorya ng bago niyang drama serye na Pamilya Roces tungkol sa padre de pamilya na may tatlong pamilya dahil ang ama niya na si Rey Abellana ay may tatlo ring pamilya.

Ang pagkakaiba lang daw sa istorya ng Pamilya Roces ay magkakasundo silang magkakapatid sa ama, not like sa serye na magkakaaway at hindi sila magkakasundong magkakapatid sa ama.

Comments are closed.