HEART EVANGELISTA HINAMON ANG MGA BASHER: BASH PA MORE!

HEART EVANGELISTA

AYON kay Heart Evangelista, dati raw ay sobrang apektado siya sa bashers at minsan ay iniiyakan pa hotshotsraw niya ito, pero ngayon ay wa-epek na ito at okey na sa kanya na ma-bash.

“You know before, si­guro mga 2-3 years ago, iniiyakan ko ang bashers,” say ni Heart nang makausap ng press. “but you know what, honestly, it`s tanggal-malas. Bash me more, God`s gonna bless me more.

“So, you know what? I`m  actually okay that they bash me because there`s  always instantly something good that will happen. As long as alam mong wala kang ginagawang masama, pero kung may ginagawa ka, walang darating na blessing.

“Ibig kong sabihin, if you`re  heart is really good, I mean, pure , when it comes to all of that negativity, babalik talaga sa`yo ni Lord. So, you know what? It`s  okey.”

Pero aminado si Heart noong buntis siya ay sobrang naapektuhan siya ng  bashers.

“Nu`n time na I was pregnant and I would get messages na “sana pag-ihi mo, sumama ‘yung anak mo” ‘yun, medyo, oh, wow.”

“So, if there`s  anything  that I learned from that, the next time I`m pregnant, nanganak na ako, roon ko na lang sasabihin,” say ni Heart.

“But, other than that, it`s  okay, kasi may kapalit ‘yun, eh,” aniya.

ALICE DIXSON NANGANGALAP NG PONDO PARA SA NEGRENSE FOUNDATION

ALICE DIXSON-3MULING manganga­lap ng funds si Alice Dixson para sa Kalipay Negrense Foundation, via her charity bowls events na ga-gawin sa E. Lanes Bowling Center Greenhills, 2:00 to 5:00 pm on December 9.

Tulad nu’ng nangyari  last year, umaasa si Miss Alice na susuportahan din siya ng ilang showbiz personalities, mga bowling  enthusiast man o hindi.

Wish nga ni Miss Alice, sana raw ay makasama niya ang mga young star na kasama niya sa Ngayon at Kailanman, lalo na raw ang loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia, Krystal Fulgar at Jameson Blake na sumuporta at makadalo sa kanyang event. Ganoon din sina Iza Calzado, Ina Raymundo, Rio Locsin, Erika Padilla, Dominic Ochoa atbp.

Last year ay sinuportahan at dumating sina Edu Manzano, Tom Rodriquez, Ara Mina, Donita Rose, Teresa Loyzaga at Ynez Veneracion sa kanyang bowling event.

Nakalikom si Miss Alice ng P250,000 sa nabanggit na event na malaking tulong sa pag-provide ng shelter, health care, sa pagkain at counseling sa mga batang Negrense na mahihirap.

Ayon kay Miss Alice, kailangang mag-donate ang sasali sa tournament bowler ng at least P2,500.

Sa mga interesado, kontakin lang daw si Sharon sa number na 0917-5330203.

Samantala, tikom ang bibig ni Alice pagdating sa kanyang lovelife. Although balita na possible ikasal siya muli sa isang foreign hotel executive.

EDDIE GARCIA AKTIBO PA RIN SA SHOWBIZ KAHIT 90 NA

SA edad na almost 90 years old ay matikas at aktibo pa rin sa showbiz si Mr Eddie Garcia.

Gabi-gabi nga ay napanonood siya sa “Ang Probinsiyano” bilang isa sa mga mortal na kaaway ni Coco Martin.

Sa totoong buhay ay napakabait, matulungin at higit sa lahat, napaka-professional na actor.

Marami nang pinagdaanan si Eddie pagdating sa pagganap na isang kontrabida. Dahil professional na actor ay hindi namimili ng role basta maganda ang material ng project ay kanyang gagawin.

In his younger years, hindi lang sa pag-arte namayagpag at nakilala si Eddie dahil nagdidirek din siya.

Sabi nga ni Eddie, mas masarap at madali ang umarte kaysa magdirek ng isang pelikula. Kaya hangga`t maari ay ayaw niya sanang magdirek pero dahil sa ganda ng istorya ng ididirek na pelikula ay hindi niya matanggihan.

Naikuwento rin ni Eddie noong pasukin ni Fernando Poe Jr. ang politika ay tumigil muna siya sa pag-aartista dahil kinaila­ngan ni Da King ang kanyang serbisyo para tumulong sa pangangampanya.

“Sino ba naman ang tatanggi kapag kinausap ka ni FPJ at humingi ng tulong. Si Da King humingi ng tulong, sino ako para tumanggi,” pahayag ng multi-awarded actor.

Comments are closed.