SOBRANG lungkot ngayon ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero dahil nalaglag na naman pala ang inaasahan nilang baby. Baby girl daw sana ito, pero awala na naman.
Hindi buntis si Heart, bagkus, may egg cell siya na inaasahan niyang finally ay mabubuhay through invitro-fertilization. Inasahan umano ni Heart ng sobra na mabubuhay ang kanyang baby girl, pero hindi to nag-succeed.
Ang problema pa, ito na ang huli niyang egg cell sa egg cell bank.
Bata pa naman si Heart at sa palagay namin ay pwede pa siyang magbuntis, kaya hindi namin alam kung bakit problema ang pagkakaroon ng egg cell. Pero syempre, hindi natin alam kung ano ang talagang problema. Basta, nawala ang baby at nalulungkot silang mag-asawa.
Maybe, mas nalulungkot si Heart dahil wala pa siyang anak. si Chiz kasi, may kambal na kay Coco na ex-wife niya kaya okay lang kahit hindi sila magkaanak ni Heart.
May pangalan na sana ang babgi girl – “Sophia Heart.” Kung nabuhay siya, may kaagaw na si Scarlett Belo sa limelight ng pinaka-affluent na baby sa buong Filipino showbiz.
Sa kabila ng sakit at lungkot sa pagkawala ni Sophia Heart, hindi raw naman niya kinukwestiyon ang Diyos. Sobra na raw siyang nabiyayaan nito para magreklamo pa. Basta raw kahit mahirap, magta-try pa rin siyang mag-procude ng egg cell para sa another baby. Kung hindi pa rin siya pagbibigyan, iisipin na lamang niyang may ibang plano ang Diyos para sa kanya.