HEART EVANGELISTA NILINAW NA HINDI DUMAAN SA IVF ANG PAGBUBUNTIS

PAGLILINAW ni Heart Evangelista na hindi totoo na dumaan siya sa In Vitro Fertilization kaya hot shotsnabuntis.

Ayon kay Heart, tatlong buwan silang nag-try ni Senator Chiz Escudero para siya mabuntis sa natural na paraan at hindi siya dumaan sa IVF.

May isang netizen kasi na ang account name ay @pepper_chloe ang nagsabi na kaya nabuntis ng kambal si Heart ay dahil sa IVF.

Nakaka-relate din daw ang naturang netizen kay Heart dahil kambal din daw sana ang magiging anak niya.

“IVF is such a tough journey to be in Ms. Heart. I had two embryos transferred one didn’t make it to blastocyst and the other was able to carry on until  8 weeks. Seeing that ultrasound, it look like a week old. Just don’t  stress yourself. It is what is. That other baby wasn’t  meant  to be part of your family as she/he is with our Creator and will find her/his next parents,” comment ng netizen.

Maganda naman ang intention ng netizen, ni­linaw ni Heart na maayos at hindi siya dumaan sa IVF.

“I got pregnant  after 3 months of trying naturally, NOT IVF, “ aniya.

Mabilis naman humi­ngi ng paumanhin ang netizen sa kanyang naging comment.

“Sorry If I assumed that you did IVF.  As multiple pregnancy is common with IVF. And the ultrasound of your angel looks too early,” sagot ng netizen kay Heart.

Anyway, hindi pa isinisilang ni Heart ang kanilang panganay ni Senator Chiz ay pinag-uusapan na ito at may nang-intriga na agad. Bukod sa intriga ay dinagsa na rin ng regalo ang pinagbubuntis ni Heart.

Kahit hindi pa alam ang gender ng magiging panganay nila ni Senator Chiz ay nagdadatingan na ang mga regalong Helmes para sa kanilang baby.

“I`ve been receiving all the sweetest gifts. We don’t  know the gender yet but  that`s  okey because we don’t believe any of the colors are gender specific, I can`t  wait to see my little one in these…” caption ni Heart sa photo Helmes ng ginagamit ng kanilang baby.

Ngayon pa lang ay dagsa na ng regalo ang magiging baby ni Heart, paano pa kaya kapag nanganak na siya, mas marami pang regalo ang magdadatingan.

Masuwerteng bata, hindi pa lumalabas ang dami  nang gamit na mamahalin. Hindi na siguro mamimili pa ng gamit sina Heart at Senator Chiz dahil sa dagsang regalo para sa kanilang panganay na anak.

TAWAG NG TANGHALAN LABANAN NG MARAMING

FOLLOWERS; TAGASUBAYBAY DISMAYADO

TAWAG NG TANGHALANMARAMI ang nanghihinayang sa mga contestant ng Tawag ng Tanghalan na natatanggal sa Ultimate Resbak challenge, kung saan 16 sa mga quarterfinalist ang binigyan ng pagkakataon to battle each other for the last two slots para mapasama sa grand finals.

Labanan ng may maraming followers ang nangyayari ngayon sa labanan ng mga resbaker na contestant ng Tawag ng Tanghalan. Kaya hindi matatawag na magaling na singer talaga ang magwawagi dahil sa text vote na nangyayari.

Sabi ng nanghihina­yang na sumusubaybay sa Tawag ng Tanghalan sa It`s Showtime ay labanan ng may datung. Hindi raw tulad noon na ang mga hurado ang may karapatan na pumili ng nararapat na tanghaling champion sa pagkanta.

Kaya huwag na raw umasa na ‘yung pinakamagaling na singer ang lalabas na winner dahil 50% pa rin ng labanan ay ang paramihan ng text vote.

Sana pagdating ng grand finals ay gawan ng paraan ng mga hurado ng contest kung paano dapat ang mananalo ay siyang karapat-dapat na manalo at hindi dahil nanalo sa text vote.

Tulad ng nangyayari ngayon sa mga resbaker na 16 na mga quarterfinalist na kahit hindi magaling ang pagkanta sa humamon ay siya pa rin ang nanalo dahil nga sa malakas sa text vote.

Ang dapat gawin ng mga maghahamon ay isipin kung sinong singer ang hindi masyadong malakas ang text vote para magkaroon sila ng pagkakataong manalo.

Tulad ni JM na 100 % ang text vote kaya hirap talunin kahit mababa ang maging score ng mga hurado sa kanya.

Comments are closed.