SOBRA ang bilib naming sa pagiging masinop sa pera ni Heart Evangelista.
Sa estado ng kanyang buhay, hindi na niya kailangang magtrabaho pa dahil galing naman siya sa nakaririwasang pamilya. Wika nga, she’s born with the silver spoon in her mouth.
Bukod pa riyan, kayang-kaya rin naman siyang buhayin ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero, lalo pa’t wala pa naman silang baby na pinaghahandaan.
Pero, dahil masipag ngang talaga, gumagawa talaga siya ng paraan na magkaroon ng pagkakakitaan. At hindi lang pagkakakitaan ang kanyang mga endeavor kundi karamihan sa mga ito ay may nakalaan para sa charity.
Kahit walang teleserye, nagiging kapakipakinabang ang kanyang oras. Nandiyan ang pagdidisenyo niya ng mga expensive bags kung saan ma-yayaman ang mga parokyano niya.
Tapos, minsan nagsasagawa pa siya ng garage sale ng kanyang branded items.
Hindi niya ipinaubaya ang pamamahala ng nasabing event kundi siya mismo ang tumututok dito.
Bukod dito, mayroon na ring sariling brand ng designed bags si Heart sa bags.ph. na patuloy na humahataw sa merkado.
PELIKULA NINA VICE AT COCO NANGUNGUNA SA MMFF
AYON sa aming reliable source sa MMFF, as expected nangunguna sa takilya ang mga pelikula nina Vice Ganda na “Fantastica” ng Star Cinema at ang Coco Martin at Vic Sotto starrer na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ng CCM Productions, MZet Productions at APT Entertainment sa mga pelikulang kasali sa 2018 MMFF.
Neck and neck daw ang labanan sa takilya ng dalawang pelikula.
Humahabol din sa sa karera ang “Aurora” ni Anne Curtis ng Viva Films at Aliud Entertainment, “Mary, Mary Me” ng TinCan Productions at Ten 17P, “Otlum” ng Horseshoe Entertainment at “One Great Love” ng Regal Entertainment, “The Girl in the Orange Dress” ng Quantum Films at “Rain-bow’s Sunset” ng Heaven’s Best Entertainment.
Dahil naghakot ng maraming awards sa 2018 MMFF awards night, posible rin daw na umalagwa sa puwesto nito ang “Rainbow’s Sunset” dahil curious ang mga manonood na malaman kung deserving ba itong manalo.
ATOM ARAULLO PRAYORIDAD ANG PAGIGING JOURNALIST
KAHIT nasubukan na niya ang umarte, wala pang kongkretong plano si Atom Araullo kung itutuloy niya ito.
“I don’t know. I’m just taking it one step at a time,” pakli niya.
Ayaw rin daw niyang karerin ito dahil mas focused siya sa kanyang trabaho bilang journalist.
“I have my own work. I have other projects that I’m doing. I’m working. I don’t want to distract from what I feel is my main line of work and that is, being a journalist,” paliwanag niya.
Ayaw rin daw niyang karerin ang pagiging scriptwriter sa pelikula, dahil nagagamit naman niya ang talentong ito sa ibang medium. Siya kasi ang isa sa mga sumulat ng kontrobersiyal na pelikulang “Citizen Jake” kung saan nagkaroon sila ng word war ng beteranong director na si Mike de Leon.
“It’s hard to say. Pero iyong maging bahagi ka ng pelikula at mabigyan ng pagkakataong sumulat ng istorya, napakalaking bagay na niya,” esplika niya. “I do write for a living. I do text stories for TV. Sa mga documentaries, TV reports, it’s also writing. Writing for film is different . I’m obviously not an expert . I enjoy the process but if ever I do more projects, I have to learn so much more,” deklara niya.
Isang premyadong news reporter at documentarist si Atom Araullo. Ang kanyang dokyu na Warmer (Climate Change) ay nanalo ng Bronze Medal sa World’s Best TV and Films category ng 2017 New York Festivals.
Bahagi rin siya ng GMA7 News and Public Affairs show na “Reporter’s Notebook” at “I-Witness.”
Comments are closed.