UMANI ng samu’t saring reaksiyon sa netizens ang naging rebelasyon ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na sa kasalukuyan ay sumasailalim siya sa weight loss program.
Hindi nila maarok kung bakit kailangang magpapayat pa nito samantalang slim na ang pigura nito.
Direkta niyang sinagot ang isang netizen kung ano ang motibo niya sa pagpapapayat.
Sey niya: “I gained 20 pounds since my wedding, need to bring back my old body for my movie.
Nag-react din sila sa tinuran ng miyembro ng Starstruck council.
Hirit nila: “20lbs? Where? You look amazing! but you look better with that body, huh? It seemed like you didn’t gain much where are you hiding those 20lbs????? You’re perfect!”
Puna naman ng ilan, sobra raw banidosa si Heart at masyadong conscious sa kanyang figure.
Pagtatanggol naman ng fans niya, wala raw namang masama sa pagiging banidosa dahil celebrity ito at role model na tinitingala ng kanyang followers kaya concerned ito na laging maganda o presentable saan man siya magpunta.
RUFFA GUTIERREZ TAKOT NANG BALIKAN ANG EX-HUSBAND
SA isang panayam, inamin ni Ruffa Gutierrez na kahit hiwalay na sila ng Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas, paminsan-minsan, sumasagi pa rin ang takot niya rito.
Kaya nga raw kahit ilang beses na siyang inimbitahan ng ex na dalawin ito sa Turkey, hindi pa rin daw niya magawa.
Pagtatapat niya: “Would you believe until now I’m still afraid of my ex-husband? Even if he has invited me so many times to go back, I don’t want to go back because I have this notion in my head that he will kill me.”
Ami nado rin siya na naging traumatic sa kanya ang naging pagsasama nila noon ng dayuhang businessman kahit biniyayaan pa sila ng dalawang anak.
“It’s very difficult. You learn from those lessons but when we discuss it, like right now, there’s still pain in my heart. So I guess you never really forget whatever those experiences have brought you, but you just learn and you move on,” pahayag niya.
Pagbubunyag pa niya, nagkaroon daw siya ng PTSD (post traumatic stress disorder) dahil sa kanyang karanasan bilang battered wife ni Yilmaz.
In-encourage rin niya ang mga kababaihan na dumaranas ng kalupitan sa kanilang mga mister na magsalita at huwag matakot na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.