HINDI napigilan ng aktres na si Heart Evangliesta ang magalit sa sinapit ng isang parol vendor na nag-viral sa social media matapos itong indiyanin ng umano’y buyer niya.
Who ordered ?? Nakakainis ha (This is infuriating). How to find him??” ang tweet ng aktres sa awa sa parol vendor na si Kuya Lakay.
Mangiyak-ngiyak na ipinost ni Kuya Lakay sa Facebook, na ang 1,000 parol na ginawa para sa sinasabing buyer na nagkakahalaga ng P100,000 ay hindi kinuha kaya nabaon sa utang ang vendor.
Isang netizen ang nag-share sa Facebook sa sinapit ng nasabing vendor na nabasa naman ni Heart ang link kaya nagkomento ito ng: “[L]et’s all try to give him a ‘merry’ Xmas.”
Inamin ni Heart na nagagalit siya sa ginawa ng “manlolokong” buyer. Napipikon talaga ako! Hayop mga manloloko na ‘yan. Good luck sa inyo.” Ilang Twitter user naman ang tila nagulat dahil nagmumura rin daw ang pala ang aktres.
Marami namang tumulong sa vendor habang ang tirang mga parol nito ay binili ni Manila Mayor Isko Moreno.
Comments are closed.