Kung tutuusin, wala raw naman talagang problema sa pagitan nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. In fact, kahit hindi raw sila gaanong nagkakasama at bagkakabatian, natutuwa raw si Heart kapag may nababasa siyang maganda tungkol kay Pia.
Hindi rin umano totoo yung sinasabi nilang rivalry, dahil kung tutuusin, dapat nga ay magkakampi pa sila dahil pareho silang Filipina.
Naniniwala si Heart na happy rin si Pia para sa kanya, kaya lang …
“Kaya lang, maling tao ang nakaka-hangout niya,” pasubali ni Heart.
Ayaw na raw niyang mag-comment, basta good luck na lang sa kanilang dalawa.
RLVN