HEART RELIC NI PADRE PIO IBINALIK NA SA ITALY

HEART RELIC OF PADRE PIO

BABALIK  na sa bansang Italy ang Heart relic ni Padre Pio su­balit dinala muna ito sa gate 15 ng Ninoy Aquino Interna-tional Airport (NAIA) Terminal 1 para sa final viewing ng mga tauhan ng MIAA officials, employees at airline personnel.

Inilagay ang Heart relic ni Padre Pio sa isang red hard case bago isakay sa Qatar Airways flight QR 933 kahapon via Doha, Qa-tar.

Matatandaan na dumating sa bansa ang Heart relic ni Padre Pio noong  Oktubre 5, 2018 sakay din ng Qatar Airways na ayon kay airport chief Ed Monreal ay nagkaroon ng pagkakataon makahipo ang kanyang mga tauhan bago ilinabas sa airport.

Pagkalabas sa airpot agad itong dinala sa Batangas, Cebu at Davao bago ibinalik uli sa Manila.

Si Padre Pio ay isinilang noong  Mayo 25,1887 na isa sa naging tanyag na Santo sa Catholic Church na kung saan, “ he carried the stigmata, the wounds of Christ that miraculously appeared on the saint’s body.”

At namatay noong Setyembre 23, 1968 at ang debosyon sa Padre Pio ay pinaniniwalaang nagbibigay ng maraming himala lalo na sa mga may sakit kung kaya’t noong Hunyo 16, 2002 ay iprinoklama siyang San-to ng simbahang katoliko. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.