HEAT BREAK PROTEKSYON SA MANGGAGAWA

ILANG linggo nang sumisirit ang heat index o damang init.

Sa record ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) pumalo hanggang 48 degrees Celsius ang heat index noong March 27, 2024 sa Roxas City, Capiz  hanggang pinakamadalas na mataas ang damang init sa Dagupan City, Pangasinan, Aborlan, Palawan, Catarman, Northern Samar at iba pa.

Kapag ang heat index ay pumalo sa 42 hanggang 51 degrees Celsius, itinuturing itong dangerous level.

Kaya naman nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer,  na kagaya sa Metropolital Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) na magpatupad din ng heat break sa mga pribadong empleyado.

Umapela rin si Secretary Laguesma sa mga employer na pangunahan na ang paglalatag ng safety measures para sa kanilang mga empleyado ngayong tag-init.

Giit ng DOLE hindi naman lahat ng mga manggagawa ay nasa loob ng kani- kanilang mga opisina.

Kaya naman isinusulong ng ilang mambabatas na gumawa ng mga panuntunan o ipag-utos ng DOLE ang pagkakaroon ng heat break ng mga empleyado.

Paglilinaw ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi na bago ang hinihiling na pagkakasa ng heat break para sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Binigyang diin ito ng Kalihim na noong 2023 ay naikasa na nila ang memorandum sa mga panuntunan kaugnay kapag umiiral ang extreme heat at work.

Ipinabatid ni Laguesma maaring pagpilian upang ibsan ang epekto ng matinding alinsangan gya ng flexible work arrangement tulad ng work from home para sa mga empleyado.

Mayroon na ring inilatag ang DOLE na guidelines para maging ligtas kapag tag-nit partikular ang mga nasa construction sector.

Pabor ang Siyasat Team sa nasabing panukala na ayon naman mismo sa DOLE ay npong isang taon pa ikinasa.

Mahalagang magkaroon ng heat break lalo na yung mga nasa labas ang trabaho o outdoor dahil naniniwala ang SIYASAT na may negatibong epekto ang sobrang init ng panahon sa kalusugan at  performance ng mga manggagawa.

Sang-ayon din ang SIYASAT na huwag maibawas sa leave credits o hindi masuwelduhan ang isang manggagawa sakali mang lumiban ito sa kanyang trabaho kapag naapektuhan ng matinding init ng panahon.

Maging sa isinusulong ni Senate Labor Committee Chair Jinggoy Estrada na mabigyan ng insentibo ang mga manggagawang papasik sa kabila ng mainit na panahon ay sinasang-ayunsan ng SIYASAT upang pagkilala na rin sa kapakanan at malasakit sa kanilang mga empleyado.