HEAT HINDI IPAMIMIGAY SI BUTLER

WALANG plano ang Miami Heat na i-trade si six-time All-Star Jimmy Butler, ayon kay team president Pat Riley.

“We usually don’t comment on rumors, but all this speculation has become a distraction to the team and is not fair to the players and coaches,” pahayag ni Riley sa isang statement. “Therefore, we will make it clear: We are not trading Jimmy Butler.”

Ilang linggo nang iniuulat ng multiple media outlets na bilang na ang mga araw ni Butler sa South Beach, kung saan naglaro ang 35-year-old veteran swingman magmula noong 2019-20 season.

Iniulat ng ESPN noong Pasko na nakahanda na si Butler sa kanyang pag-alis bago pa man ang February 6 trade deadline. Nakasaad din sa report na nakikinig ang Heat sa trade offers.

Si Butler ay kumikita ng $49 million ngayong season at may $52 million player option para sa 2025-26 campaign, na napaulat na plano niyang tanggihan upang maging isang free agent sa July.

Bago ang laro nitong Huwebes, si Butler ay may averages na 18.5 points, 5.8 rebounds at 4.9 assists sa 20 games (all starts) ngayong season habang bumuslo ng career-best 55.2 percent mula sa field.

Si Butler ay may career averages na 18.3 points, 5.4 rebounds at 4.3 assists sa 834 games (729 starts) sa Chicago Bulls (2011-17), Minnesota Timberwolves (2017-18), Philadelphia 76ers (2018-19) at Heat. Napili siya sa All-Star Game noong 2015-18, 2020 at 2022.