NAGBUHOS si Jimmy Butler ng 27 points at 10 assists upang pangunahan ang host Miami Heat sa 109-101 panalo kontra New York Knicks at kunin ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference semifinal series.
Maaaring tapusin ng Miami, ang eighth seed sa East, ang best-ofseven series sa panalo sa Miyerkoles sa New York.
Nakakuha rin ang Heat ng 23 points at game-high 13 rebounds mula kay Bam Adebayo.
Dinomina ng Miami ang fifth-seeded New York sa buong laro, namayani sa offensiverebound battle, 13-8. Ang Heat ay may 22-15 edge din sa points mula sa turnovers, at mas mabilis ang Miami sa loose balls.
Nanguna si Jalen Brunson para sa Knicks na may 32 points at 11 assists, na kapwa game highs. Ang output ni Brunson ay kinabilangan ng isang corner 3-pointer sa second quarter na pumasok ‘off the glass’.
Nagdagdag si Knicks guard/forward RJ Barrett ng 24 points. Tumapos si Julius Randle, na-foul out, may 3:08 ang nalalabi sa laro, na may 20 points at 9 rebounds, ngunit gumawa rin siya ng game-high six turnovers.
Hindi nakapaglaro si New York’s Immanuel Quickley, pumangalawa sa botohan para sa NBA Sixth Man of the Year, dahil sa sprained left ankle.
LAKERS 104, WARRIORS 101
Naitala ni Lonnie Walker IV ang lahat ng kanyang 15 points sa fourth quarter upang tulungan ang Los Angeles Lakers na makalayo para sa 104-101 panalo kontra Golden State Warriors sa Game 4 ng kanilang Western Conference semifinals series.
Isinalpak ni Walker ang go-ahead jumper, may 1:53 sa orasan, na nagbigay sa Lakers ng 100-99 bentahe bago nagdagdag si LeBron James ng dalawang free throws, 102-99.
Isang clutch layup ni Stephen Curry ang naglagay sa one-point game sa huling 65 segundo, subalit hindi nakapagexecute ang Warriors sa closing minute kung saan dalawang beses nagmintis si Curry.
Sinelyuhan ni Walker ang panalo sa dalawang free throws sa huling 15 segundo, at naipuwersa ng Lakers ang turnover sa sumunod na possession ng Warriors.
Umangat ang Lakers sa 3-1 sa best-ofseven series para lumapit sa isang puwesto sa Western Conference Finals.