UMISKOR si Ja Morant sa driving, lefty layup, may 1.2 segundo ang nalalabi, upang tulungan ang host Memphis Grizzlies na gapiin ang Miami Heat, 89-85, noong Miyerkoles ng gabi at putulin ang three-game losing streak.
Tinalo ni Morant, gumawa ng team-high-tying 13 points, si five-time All-Star Jimmy Butler sa layup, upang basagin ang 85-85 pagtatabla.
Pagkatapos ay gumawa si Miami’s Bam Adebayo ng turnover sa risky pass sa ilalim, at naipasok ni Kyle Anderson ang dalawang game-clinching free throws.
Tumipa sina Anderson at De’Anthony Melton ng 13 points para sa Grizzlies, at nag-ambag si Dillon Brooks ng 10. Kumalawit si Jonas Valanciunas ng 12 rebounds at nagtala ng 7 points. Nagdagdag si Melton, isang 6-foot-2 reserve guard, ng career-high 10 rebounds at season-high-tying 6 assists.
Naputol ang six-game road winning streak ng Miami, gayundin ang five-game overall winning streak nito. Ang Heat ay 11-2 sa kanilang huling 13 laro.
NETS 124,
PACERS 116
Nagbuhos si James Harden ng 40 points, 15 assists at 10 rebounds upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa 124-115 panalo kontra host Indiana Pacers.
Nagwagi ang Brooklyn ng anim na sunod, pinalawig ang franchise-record road winning streak nito sa walong laro at tinalo ang Indiana sa ikalawang pagkakataon sa 14-1 tear nito magmula noong Feb. 9.
Binura ng Nets ang 16-point, second-quarter deficit bago lumamang sa huling 12 minuto.
Naitala ni Harden ang kanyang unang 40-point game sa Nets at ang kanyang ika-11 triple-double.
Naipasok niya ang 13 sa 27 shots at naiposte ang kanyang pinakabagong triple-double nang makuha ang rebound sa sablay na 3-pointer ni dating Net Caris LeVert, may 1.6 segundo sa orasan.
Naitala rin ni Harden ang ikalawang 40-point triple-double sa franchise history. Ang una ay si Vince Carter (46 points, 16 re-bounds at 10 assists) noong April 7, 2007 laban sa Washington Wizards.
WARRIORS 108,
ROCKETS 94
Umiskor si Jordan Poole ng 23 points at nagsalpak ng anim na 3-pointers mula sa bench nang pabagsakin ng bisitang Golden State Warriors ang Houston Rockets, 108-94 , na nalasap ang franchise-record 18th consecutive defeat.
Ang dating franchise mark na 17 straight losses ay naitala ng San Diego Rockets noong Jan. 18-Feb. 16, 1968.
Nagdagdag sina Kelly Ourbe Jr. ng 19 points, Andrew Wiggins ng 17 points at Draymond Green ngtriple-double na 16 points, 12 rebounds at 10 assists para sa Golden State.
BUCKS 109,
76ERS 105
Nagsalansan si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 15 rebounds at 5 assists at humabol ang Milwaukee Bucks sa 19-point deficit para sa a 109-105 overtime victory laban sa host Philadelphia 76ers.
Kumamada si Antetokounmpo ng 10 points sa overtime, kabilang ang personal 7-0 run upang selyuhan ang panalo.
Nagdagdag si Donte DiVincenzo ng 20 points at 8 rebounds, at nag-ambag sina Jrue Holiday ng 19 points, Khris Middleton ng 15, at Brook Lopez ng 14. para sa Bucks, na nanalo ng limang sunod.
Kumamada si Saddiq Bey ng 28 points at 12 rebounds at pinutol ng host Detroit Pistons ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 116-112 panalo kontra Toronto Raptors.
Kumabig si Jerami Grant ng 23 points at nag-ambag si Delon Wright ng 18 points, 10 rebounds at 8 assists para sa Pistons. Tumipa si Josh Jackson ng 16 points, 6 assists at 5 rebounds mula sa bench, at nagdagdag sina Mason Plumlee ng 10 points at 14 rebounds, at Isaiah Stewart ng 10 points.
Nagbuhos si Norman Powell ng career-high 43 points para sa Raptors, na nalasap ang ika-6 sunod na pagkabigo. Nakalikom si Toronto’s Chris Boucher ng 21 points, at gumawa si Kyle Lowry ng 8 points at 15 assists.
Sa iba pang laro, naungusan ng Sacramento Kings ang Washington Wizards, 121-119; dinispatsa ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics, 117-110; pinataob ng Denver Nuggets ang Charlotte Hornets, 129-104; at namayani ang Dallas Mavericks kontra Los Angeles Clippers, 105-89.
294786 237518you could have a wonderful weblog here! would you wish to make some invite posts on my weblog? 945869
Thank you for another great article. The place else may just anyone get that kind of information in such an ideal manner of writing?
I’ve a presentation subsequent week, and I’m on the search for such
information.
169091 20882This weblog genuinely is very good. How was it produced ? 816393