HEAT SILAT SA T’WOLVES

Timberwolves vs Heat

MAKARAANG matalo sa kanilang huling dalawang laro ng pinagsamang 55 points, sumandig ang host Minnesota Timber-wolves sa malaking fourth quarter upang gulantangin ang  Miami Heat, 119-111, noong Biyernes ng gabi sa  Target Center sa Minneapolis.

Tinapos ng  Heat, sumalang sa laro na nasa ika-7 puwesto sa  Eastern Conference standings, ang four-game road trip nito sa ikatlong sunod na talo.

Tinalo ng Minnesota ang Miami sa nakalipas na limang pagtatagpo at sa anim sa huling pito.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Miami sa susunod na buwan.

Nagbuhos si Karl-Anthony Towns ng 24 points at kumalawit ng 5 rebounds— at naisalpak ang lahat ng apat na  attempts mula sa long distance kontra Heat.

Bumuslo ang Minnesota ng 41.7 percent (15 of 36) mula sa 3-point range at na-outscore

ang Heat, 31-18, sa  fourth. Na-outscore din ng Minnesota ang Miami, 23-5, sa second-chance points at na-outrebound ang Heat, 45-33.

Bukod kay Towns, ang  Timberwolves ay pinangunahan nina Ricky Rubio na may 17 points at  Naz Reid na may 16.

Nagbida para sa Miami si Jimmy Butler na may 30 points, 10 rebounds at 8  eight assists habang nag-ambag sina Trevor Ariza ng 21 points at Bam Adebayo ng 17.

NETS 130,

HORNETS 115

Umiskor si Joe Harris ng 26 points at nagdagdag si Kevin Durant ng 25 points nang pataubin ng Brooklyn Nets ang Charlotte Hornets, 130-115, sa matchup ng injury-riddled teams sa New York.

Nag-ambag si Landry Shamet ng 20 points mula sa Brooklyn bench.

Nagbuhos si Miles Bridges ng 33 points at kumamada si Terry Rozier ng 27 points para sa Hornets, habang nagposte si rookie center Vernon Carey Jr. ng  21 points.

Nalasap ng Charlotte ang ika-4 na sunod na pagkabigo sa ikalawang pagkakataon pa lamang ngayong season.

Balik sa aksiyon si Durant matapos na hindi maglaro sa pagkatalo sa Philadelphia noong Miyerkoles.

Sa iba pang laro, ginapi  ng Toronto Raptors ang Orlando Magic, 113-102; pinabagsak ng  Denver Nuggets ang Houston Rockets, 128-99; namayani ang Memphis Grizzlies kontra Chicago Bulls,  126-115; pinatahimik ng Detroit Pistons ang Oklahoma City,  110-104; naungusan ng

Washington Wizards ang New Orleans Pelicans,  117-115; at natakasan ng Philadelphia 76ers ang Los Angeles Clippers, 106-103.

7 thoughts on “HEAT SILAT SA T’WOLVES”

  1. 741417 321808Attractive part of content material. I just stumbled upon your site and in accession capital to claim that I acquire in fact enjoyed account your weblog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you get entry to constantly speedily. 992734

  2. 471172 45151Jane wanted to know though your girl could certain, the cost I basically informed her she had to hang about until the young woman seemed to be to old enough. But the truth is, in which does not get your girlfriend to counteract utilizing picking out her extremely own incorrect body art terribly your lady are usually like me. Citty design 813228

  3. 452515 502699I discovered your weblog internet web site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the extremely good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far far more on your part down the road! 791876

Comments are closed.