MAGPAPATUPAD ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 30-minute “heat stroke break” para sa lahat ng kanilang field personnel simula Abril 1, 2022.
Ayon sa MMDA, nais nilang masiguro ang kaligtasan at proteksiyon ng mga traffic enforcers at street sweepers laban sa heat stroke at cramps o pulikat ngayong summer season.
Pahayag ng ahensiya, ipatutupad ang heat-stroke break tuwing alas-10 ng umaga hanggang alas-10:30 ng umaga o 10:30 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga para sa 5am to 1pm shift, habang alas-11 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga o 11:30 ng umaga hanggang 12 ng tanghali naman para sa mga 6am to 2pm shift.
Sa mga MMDA personnel na naka-duty ng 1pm to 9pm, itinakda ang kanilang heat stroke break ganap na 2:30 ha hapon hanggang alas-3 ng hapon o alas-3 ng hapon hanggang 3:30 ng hapon, at 3 ng hapon hanggang 3:30 ng hapon o 3:30 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon naman ang break para sa mga papasok ng 2pm hanggang 10pm.
Samantalang alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon naman ang break ng mga naka-duty ng 7am to 4pm, habang 2:30 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon o 3pm to 3:30pm naman para sa mga may pasok ng 11am to 7pm.
Bunsod nito, inamin ng ilang MMDA field worker, na talagang naghahanap sila ng masisilungan kapag matindi ang init ng panahon upang maiwasan ang heat stroke.
Kahapon pumalo sa 33.4 degrees celsius ang init ng panahon sa lunsod ng Quezon. DWIZ882