SINIMULANG ipatupad kahapon ang 30-minute ‘heat stroke break’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga field personnel nito.
Ayon sa MMDA, ang naturang break ay bahagi ng kanilang hakbang na layong mapigilan ang mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng tag-init sa mga field personnel nito na babad sa matinding sikat ng araw.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, magpapatupad ito ng shifting sa ilalim ng 30 minutes heat stroke break kung saan, maaari uminom ng tubig, sumilong sa lilim at pansamantalang magpahinga.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, posibleng tumindi pa ang init na mararamdaman hanggang sa Mayo ngayong taon dahil na rin sa epekto ng El Niño Phenomenon.
Sinabi pa ni Artes na magtatagal ang heat stoke break hanggang sa Mayo 31. P ANTOLIN