HEAT, SUN ABANTE SA 3-2

PITONG players ang umiskor sa double figures para sa Miami Heat na binomba ang bisitang Philadelphia 76ers, 120-85, upang kunin ang 3-2 lead sa best-of-seven Eastern Conference semifinal series Martes ng gabi.

Nagbuhos si Jimmy Butler ng  game-high 23 points para sa Heat, ngunit hindi tulad sa pagkatalo sa Games 3 at 4 kung saan siya lamang ang naging consistent sa opensa, marami ang tumulong sa kanya.

Naitala ni Miami’s Max Strus ang kanyang unang double-double sa postseason na mayb 19 points at 10 rebounds. Nagdagdag si Gabe Vincent ng 15 points, habang umiskor si Victor Oladipo ng 13 mula sa bench13. Nagposte rin sina Bam Adebayo (12), Tyler Herro (10) at P.J. Tucker (10) ng double figures.

Nagdagdag din si Butler ng 9 rebounds at 6 assists at naipasok ang 9 of 15 field-goal attempts. Si Strus ay 7 of 13 mula sa floor, kabilang ang 4 of 10 mula sa 3-point range.

Kumamada si Joel Embiid ng 17 points para pangunahan ang Philadelphia, habang nag-ambag sina James Harden ng 14 at Tobias Harris ng 12 points. Gayunman, naipasok ng 76ers ang 36.5 percent lamang ng kanilang field-goal attempts at na-outrebound, 46-36.

Gaganapin ang Game 6 sa Huwebes ng gabi sa Philadelphia, kung saan sisikapin ng 76ers na makaiwas sa pagkakasibak. Ang road team ay hindi pa nananalo sa series

SUNS 110,

MAVERICKS 80

Lumapit ang top-seeded Phoenix sa NBA Western Conference finals makaraang pataubin ang Dallas.

Tangan ang 3-2 bentahe sa series, kailangan lamang ng Suns ng isang panalo sa kanilang huling dalawang laro para makausad sa conference finals.

Nakabalik ang Dallas sa kontensiyon para itabla ang series sa 2-2 noong Linggo makaraang matalo sa Games 1 at 2 sa Phoenix noong nakaraang linggo.

Nanguna si Devin Booker para sa Phoenix na may 28 points habang nagdagdag si Deandre Ayton ng  20 points at 9 rebounds.

Tumirada si Luka Doncic ng 28 points at  11 rebounds para pangunahan ang Dallas habang nag-ambag si Jalen Brunson ng 21 points.