HEAT TINUSTA ANG GIANNIS-LESS BUCKS

Bucks vs Heat

UMISKOR si Gabe Vincent ng 27 points at gumawa ng 5 steals habang sinamantala ng Miami Heat ang pagliban ni Giannis Antetokounmpo upang maitakas ang 111-95 panalo kontra Milwaukee Bucks nitong Sabado.

Nahila ng Miami ang kanilang winning streak sa tatlong laro makaraang madominahan ang Milwaukee halos mula sa umpisa upang kunin ang panalo at umangat ang tropa ni Erik Spoelstra sa 24-20 sa Eastern Conference standings.

Si Vincent ay isa sa limang Heat players na nagtala ng double figures, habang nagdagdag sina Victor Oladipo at Bam Adebayo ng tig-20 points.

Humakot si Adebayo ng 13 rebounds at 2 assists habang nag-ambag si Jimmy Butler ng 16 points sa 26min 35sec sa court sa Miami-Dade Arena.

Si two-time MVP Antetokounmpo ay hindi nakapaglaro dahil sa knee complaint.

Nanguna si Bobby Portis para sa Bucks na may 15 points habang nalimitahan si Jrue Holiday sa 12 points.

Celtics 122, Hornets 106

Nagbuhos si Jayson Tatum ng 33 points at binura ng Boston Celtics ang double-digit deficit upang mapalawig ang kanilang pangunguna sa ibabaw ng NBA Eastern Conference sa 122-106 road victory laban sa Charlotte Hornets.

Ang Celtics ay pumasok sa laro na pinapaborang maitala ang kanilang ika-6 na sunod na panalo laban sa Hornets team na may 11 panalo pa lamang sa conference.

Na-outscore ng Celtics ang Charlotte, 33-19, sa third quarter at napanatili ang malaking kalamangan sa final quarter.

Tumipa si Malcolm Brogdon ng 30 points para sa Boston, habang nagdagdag sina Al Horford ng 16 at Marcus Smart ng 13 points.

Nagbida si LaMelo Ball para sa Hornets na may 31 points.

Sa iba pang laro ay naiposte ng Memphis Grizzlies ang ika-9 na sunod na panalo sa 130-112 blowout sa Indiana Pacers.