HEAT TINUSTA ANG WIZARDS

UMISKOR si Jimmy Butler ng 24 points at nagdagdag si Bam Adebayo ng 20 points at 14 rebounds upang pangunahan ang bisitang Miami Heat sa 110-102 panalo laban sa Washington Wizards noong Biyernes.

Isinalpak ni Butler ang 7 sa 10 shots mula sa floor at 9 of 13 attempts mula sa foul line. Nagdagdag siya ng 9  rebounds para sa Miami, na naiposte ang decisive 59-43 advantage sa boards at na-outscore ang Washington, 31-15, sa third quarter.

Tumipa sina Terry Rozier, na kumalawit ng 8 rebounds, at Tyler Herro ng tig-15 points. Nagposte si Kevin Love ng 13 points at 10 rebounds mula sa bench para sa Miami, na nanalo ng dalawang sunod matapos ang season-high seven-game skid.

Humataw si Washington’s Corey Kispert ng anim na 3-pointers para tampukan ang kanyang 26-point performance mula sa bench.

Nakakolekta si Jordan Poole ng 16 points at 10 assists at nag-ambag si Deni Avdija ng 15 points at 8  rebounds para sa Wizards, na natalo sa unang dalawang laro ng kanilang four-game homestand upang mahulog sa 3-20 sa home ngayong season.

Warriors 121,
Grizzlies 101

Nagposte si Jonathan Kuminga ng hindi bababa sa 20 points sa ika-8 sunod na laro at sinimulan ng Golden State Warriors ang five-game trip sa panalo kontra Memphis Grizzlies.

Nagbuhos si Kuminga ng game-high 29 points at nagdagdag si Brandin Podziemski ng season-high 14 assists para sa Warriors, tumulong na biguin ang pagbabalik ni Grizzlies’ Derrick Rose, na na-sideline magmula noong Jan. 2 dahil sa hamstring injury.

Tumapos si Rose na may 12 points at 4  assists sa loob ng 16 minuto mula sa  bench para sa Memphis, isang injury-ravaged club na nasa ikalawang gabi ng back-to-back.

Kumabig si Stephen Curry ng 20 points at nagdagdag si Klay Thompson ng 14 para sa Golden State, na naglalaro sa opener ng isand back-to-back set. Bibisita ang Warriors sa Atlanta sa Sabado.

Nag-ambag si Draymond Green ng 9 points, 12 rebounds, 6 assists at 3  blocks.

Nagdagdag si Podziemski ng 12 points at 7 rebounds mula sa bench, habang gumawa si Lester Quinones, na naglaro ng tatlong seasons sa University of Memphis, ng 10 points at 6 rebounds sa loob ng 19 minuto.

Clippers 136,
Pistons 125

Nagbuhos si Kawhi Leonard ng 33 points at pinataob ng bisitang Los Angeles Clippers ang Detroit Pistons.

Nakalikom si Russell Westbrook ng 23 points at naabot ang 25,000 career points. Nagbigay rin siya ng 9 assists para sa Clippers, na 4-1 sa kanilang kasalukuyang seven-game road swing. Ang Los Angeles ay nanalo sa 15 sa kanilang huling 18 games.

Kumana si Paul George ng 18 points, 7  assists at 3  steals at nagdagdag si Norman Powell ng 15 points sa panalo.

Nanguna si Jaden Ivey para sa Pistons na may 28 points at nagtala si Bojan Bogdanovic ng  26 points. Nag-ambag si Marcus Sasser ng 21 points, nakalikom si Cade Cunningham ng 16 points at 11 assists, at nagdagdag si Jalen Duren ng 11 points at 13 rebounds.