Natuklasan ng mga climate scientists kamakailan na ang record-breaking intensityng heatwave na tumama sa Pilipinas noong Abril ay dahil sa pagbabago ng klima. Ayon sa report, kung mas uminit ang mundo ng 2°C higit sa pre-industrial global mean temperatures, mas iinit pa sa Pilipinas ay magaganap na itop kada dalawang taon.
Kumpirmado rin ang report na ang streak of record global temperatures ay magpapatuloy ng 11 buwan, kung saan April 2024 ang pinakamainit. Higit pa diyan, natuklasang inaasahan ng daan-daang siyentipiko mula sa Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na tataas pa ang global temperatures ng at least 2.5°C above pre-industrial levels sa panahong ito.
Ayon kay Greenpeace Philippines campaigner Khevin Yu, masyado nang apektado ng climate change ang Pilipinas at halos hindi na ito kaya ng mga Filipino.
Liban pa sa heat waves, may mga matitinding kalamidad din tayong kinakaharap tulad ng super typhoons. Hindi pa nga nakakabawi sa epekto ng heatwave, papasok naman ang La Niña na dodoblehin pa ang kasalukuyang nasira.
Hindi umano sapat ang mga ginagawang Disaster Risk Reduction upang masigurong ligtas ang kinabukasan ng mga Filipino. Dapat umanong bilisan ang transisyon sa renewable energy upang maiwasan na ang fossil gas expansion.
Gusto rin ng Greenpeace na pagbayarin ang pinakamalaking climate-polluting companies at aminin nila ang klanilang papel sa makasaysayang carbon emissions at gumawa ng paraan upang makalipat sa renewable energy mula sa fossil fuels. NLVN