MUMBAI- UMABOT sa 11-katao ang namatay habang tatlo naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang ma-heatstroke sa dinaluhang state-sponsored awards ceremony sa Navi Mumbai suburb.
Sa nailathala ng Indian website NDYV.com, aabot sa 2 milyon katao ang dumalo sa nasabing ceremony na umabot sa 4-oras kung saan naitala ang 100 degree heat ng panahon habang idinaraos ang ceremony kaugnay sa pagbibigay ng award sa veteran social activist na si Appasaheb Dharmadhikari.
Ayon kay Eknath Shinde, chief minister ng Maharashtra, aabot sa 600 katao ang nakaranas ng dehydration at pananakit ng ulo kung saan 50 ang isinugod sa ospital habang 3 naman ang nasa kritikal na kalagayan.
Base sa tala, ang eastern state ng West Bengal ay kasalukuyang nasa ilalim ng heatwave kaya napilitan magsara ang lahat ng elementary at high schools, colleges at universities.
Wala naman heat wave warning na inanunsyo ng India Meteorological Department (IMD) sa nasabing lugar nitong Linggo. MHAR BASCO