QUEZON – SINUNOG ng New People’s Army ang kasalukuyang ginagawang Mini Hydro Dam sa Brgy. Maragondon bahagi ng Real bandang alas-11:30 ng gabi.
Ayon sa report ng Real Municipal Police Station, isang impormasyon ang kanilang natanggap buhat sa intelligence ng Philippine Army na may kasalukuyang nagaganap na panghaharas sa mga tauhan ng nasabing Mini Hydro Dam at panununog ng mga heavy equipment na ginagamit sa paggawa ng dam.
Maging ang pansamantalang opisina at tinutuluyan ng mga manggagawa ay hindi rin nakaligtas sa ginawang panununog ng mga rebeldeng NPA.
Isang dump truck, isang back hoe, isang mixer truck, at isang FB van ang napaulat na kasamang sinunog ng mga NPA.
Hindi pa malaman ng mga awtoridad ang halaga ng mga sinunog ng NPA na kagamitan ng naturang kompanya na gumagawa sa dam at wala ring napaulat na namatay at nasaktan sa nasabing insidente.
Patuloy namang tinutugis ng mga sundalo at pulis ang mga NPA na responsable sa panununog na mabilis na tumakas ang mga ito. BONG RIVERA
Comments are closed.