QUEZON – TINUTUGIS ng mga tauhan ng Philippine Army at Quezon Provincial Police Office ang isang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army na nanunog ng mga heavy equipment sa Sitio Queborosa, Brgy. Magsaysay, Infanta.
Ito ay sa likod ng bagong panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa makakaliwang hanay na itigil na ang paghahasik ng karahasan. Panununog at pangingikil at pananalakay sa tropa ng gobyerno dahil handa siyang muling ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Hinala ng Quezon PPO na nabigong magbigay ng revolutionary tax ang Northern Builders Corporation na may-ari ng mga sinilabang heavy equipment.
Sa ulat na nakarating sa Philippine Army 2nd Infantry Division sinalakay ng may 15 CPP-NPA ang compound ng Northern Builders Corporation sa Sitio Queborosa, Brgy. Magsaysay, Infanta.
Agad ding tinupok ang tatlong backhoe at isang bulldozer na ginagamit sa road widening para sa konstruksiyon ng Kaliwa Dam.
Tahasang kinondena ni Sr. Supt. Osmundo De Guzman, Quezon Provincial Director ang ginawang pag-atake ng mga rebeldeng anti-progress. VERLIN RUIZ
Comments are closed.