MISTULANG ‘all star cast’ ng mga ‘heavyweight’ showbiz celebrities, religious leaders, at prominenteng mga politiko ang sumusuporta, kasama ang maraming mamamayan sa reelection bid ni Senator JV Ejercito.
Ito ang napag-alaman makaraang pasalamatan ni Ejercito, tinaguriang ‘Mr. Healthcare’ dahil sa pagsusulong niya ng Universalhealth Care Law, ang mga nag-endorso sa kanya at mga taong tagasuporta kasunod ng pag-akyat niya sa winning chart base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan nalagay siya sa 9-15 rank at ng Social Weather Station kung saan naging pang-l2 siya.
“Ngayon pa lang, taos-puso na po akong nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin. Of course, to the Filipino people who believe in me, your trust always lifts my spirit and encourage me to go on despite my uphill battle in this election and make me believe that we will overcome,” sinabi ni Ejercito sa isang statement.
Kabilang sa mga nag-endorso kay Ejercito ay si Presidente Duterte, presidential daughter at kasalukuyang Davao City Mayor Sara Duterte, Senate President Vicente Sotto III, at Senators Manny “Pacman”, Migz Zubiri, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Ralph Recto, at Panfilo Lacson.
“Of course, my father, Manila Mayor Joseph “Erap” and my mother, San Juan City Mayora Guia Gomez, are 100 percent behind me. I always believe that politics is addition. So, I always welcome all the support and endorsement coming from the people,” ayon kay Ejercito.
Ilan sa maraming local government official na nagpahayag ng suporta sa reelection bid ni Ejercito ay sina Batangas Mayor Vilma Santos-Recto, Ormoc City Mayor Richard Gomez, Leyte (4thDistrict) Rep. Lucy Torres-Gomez, Pampanga Governor Lilia Pineda, Batangas Governor Hermilando Mandanas, Southern Leyte Governor Damian Mercado, Northern Samar Governor Jun Ong, at Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez.
Ang mga showbiz personalities naman na sumusuporta din kay Ejercito ay sina Gabby Concepcion, Vina Morales at Raymart Santiago, ay iba pa.
“Noong 2013, dinala ko sa Senado ang aking pangarap na ‘Ginhawa ng Bayan,’ ang Universal Health Care Law at ang batas na magtatatag ng Department of Human Settlements and Urban Development ng dalawa sa katuparan ng pangarap na ‘yan,” sabi ni Ejercito.
“Nais kong ipagpatuloy ang aking nasimulan para makamit ang matagal na nating inaasam ng ‘Ginhawa ng Bayan’,” dagdag pa nito.
Nagbigay rin ng “thumbs up” kay Ejercito ang mga maimpluwensiyang religious leader tulad nina Brother Mike Velarde ng El Shaddai, Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdown of Jesus Christ, The Name Above Every Name, at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani.
“Marami pa akong gustong gawin para sa lahat. Sa tulong ng mga tao, marami hindi ko kilala pero lumalapit sa akin at sinasabi nila sa akin na iboboto nila ako, at sa awa ng Diyos, I believe that I will win,” he said.
Comments are closed.