HEIGHTENED ALERT IKINASA NG IMMIGRATION

Commissioner Jaime Morente-7

NAGTAKDA ng heightened alert ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t-ibang ports of entry kasabay ng pagdiriwang ng magkakasunod na holiday seasons.

Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officer na naka-deploy sa iba’t-ibang international airports at seaports na dagdagan ang mga magbabantay sa mga padating at palabas na mga mananakay.

“This is to ensure that our campaign to thwart the entry of illegal aliens and prevent the departure of trafficking victims is not compromised during this Christmas season,”  ani Morente.

Binalaan din ni Morente ang mga sindikato ng human smuggling at human trafficking na namamantala ngayon Kapaskuhan sa kabila ng pandemya.

“Do not even try because our officers at the airports will surely foil any attempts by these syndicates to ply their racket,” ayon sa  BI chief.

Tinukoy ni Morente ang kaso ng ilang dayuhan na nahuli sa airport sa Manila at Cebu dahil sa mga pekeng dokumento gayundin ang isang nasabat na biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan isang pasahero ang nagtangkang lumabas ng bansa at nagpanggap na turista gamit ang mga pekeng dokumento.

“These tricks will not work as our immigration officers are trained in passengers assessment and detecting fraudulent travel documents,” ayon pa kay  Morente. PAUL ROLDAN

Comments are closed.